MARIA (2022)

 Maria ang talang maliwanag

Aming natanaw at naaninag

Sa karagatan ng bagabag


Maria aming matingkad na sinag

Pag-asang nagsisilbing sagisag

Sa kanyang piling kami'y panatag


Maria ikaw ang aming kalasag

Nang kami ay manatiling matatag

Sa aming mahabang paglalayag


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

TALINHAGA (2025)

  Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...