Naguguluhan at nalilito
Bakit ang nararamdaman ko'y ganito?
Nais nilang tuwid ang paglakad ko
Sa kalsadang paalon at puros liko
Nababagabag ang loob ko
Sa mga salitang sinasabi ninyo
Na nais nila na ang sarili'y baguhin ko
Dahil kailangan ko raw ng saklolo
Naliligaw at natutuliro
Kailan kaya magwawakas ang mundo?
Para matuldukan na ang lahat ng ito
At dahil ayaw niyo rin naman ako dito
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento