'DI ROM-COM NA PELIKULA (2022)

Ang kwento natin ay 'di pang-rom-com na pelikula

Iba ang sukat, sangkap, at timpla

Medyo manamis-namis sa umpisa

Hanggang sa naging mapait ang lasa


Ako ay kaibigan mo lamang sa istorya

Tagamasid, tagasigaw, at tagahanga

Hindi ako at hindi magiging ako ang bida

Sa akdang isinulat para sa inyong dalawa




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

TALINHAGA (2025)

  Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...