WALANG TAKAS (2022)

 Hindi pa isinisilang ay may kasalanan na

Wala pang ginagawa ay mayroon ng sentensya


Nakatali agad ng mga tanikala ang mga paa

Kahit hindi pa natututong ilapat ang talampakan sa lupa


Hindi pa nga alam kung paano magbilang 

Mayroon na agad siyang babayarang utang


Parang wala na tayong takas, wala ng kawala

Sa buhay natin dito sa lupang sadlak sa dusa


Kung mayroon mang kahit mumo ng pag-asa

Lilimusin ko agad upang makayanan ang bigat na dala-dala

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

TALINHAGA (2025)

  Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...