MASALIMUOT NA TELESERYE (2022)

Solusyon ang panawagan at hinahanap

Ng mga Pilipinong nagpupursigi at nangangarap 

Para maiahon ang Inang Bayang sadlak sa hirap

Ngayon at sa mas magaan na hinaharap


Ang masang araw-araw nagdarahop 

Sa kasalanan ng trapong bulok

Apektado ang Pilipino kahit saang lupalop

Sa utang ng nagdaang lider na nakaluklok


Isa ngang masalimuot na teleserye

Ang buhay nating mga mamamayan

Lahat na yata ng uri ng peste

Sinalakay tayo pwera ang makapangyarihan








Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

PAG KINALABIT KA, TATAKBO O SASAMA KA BA?

Nang may biglaang kumalabit Si Kamatayan ay lumalapit Ang dibdib sumikdo't namilipit Pwede ba manlimos kahit isang saglit ulit Hinahabol...