Ang baon ko sa aking pag-alis
Ang pangarap, pagsisikap, at pagtitiis
Sa pamilyang minamahal na labis
Sa pag-unlad na ninanais-nais
Nangibang-bayan para itanim
Ang butong inaasahang tumubo at umusbong
Kasabay ng panalangin at paggawang taimtim
Sa kinabukasang masagana at mayabong
Itinuturing na mga bagong bayani
Inuuna ang iba kaysa ang sarili
Ang kanyang pamilya ang pinipili
Na handugan ng ngiti sa mga labi
Isang mainit at mahigpit na yakap
Para sa mga Pilipinong lumipad
Alang-alang sa pagtupad ng pangarap
Alang-alang sa maginhawang hinaharap
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento