EWAN KO BA? (2022)

Ewan ko ba?

Tinuruan ko na lang makalimot

Ang puso kong tanga

Sa mga nakaraang masalimuot


Siguro ganoon na nga

Kapag ikaw ay isang duwag 

Sa mga problema

Ikaw ay hindi makapalag


Ganyan ka na lang ba?

Habang buhay iiwas at tatakas

Magbago ka na

Harapin ang buhay at maging malakas

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

TALINHAGA (2025)

  Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...