Ang apoy na kumokonsumo
Sa dibdib kong nanlulumo
Bitbit-bitbit na ng sandaang siglo
Buhat sa damdaming tinatago
Para hindi masilayan ng mundo
Ang pusong naglalagablab sa loob
Doon nagbabaga kaya't nakukulob
Kaya't nagliyab at tuluyang tumataob
'Di na makatakbo ang damdaming nagdurobdob
Nasunog ang pag-asa sa pagkasubsob
Natutunaw ang tao 'pag ang mundo'y nagugunaw
Nalulusaw ang daigdig 'pag ang pag-ibig ay pumanaw
Hindi man makagalaw ang damdamin naman ay nagsusumigaw
Ulan ay pumapatak habang tirik na tirik ang araw
Ganoon 'pag ang saya at lungkot salitan kung dumalaw
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento