YAPAK (2022)

 Nilakad natin nang nakayapak

Ang daanang lubak-lubak

Tayo na ay unti-unting nawawasak

Hanggang 'di namalayang bumabagsak


Lango at lasing na sa alak

Sa oras na pumapatak

Habang ang puso'y nabibiyak

Ang mata'y iyak nang iyak


Ikaw at ako sabay nating tinahak

Ang paglalakabay na hindi tiyak

Ang inaakala nating ginto't pilak

Puno pala ng sindak at sadlak

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

TALINHAGA (2025)

  Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...