Kamay ay nangangatog
Puso ay kumakabog-kabog
Gusto kong magdabog
Pero ako pa ay pagal at bugbog
Hindi ko na namamalayan
Kapag ikaw ang naririyan
Ang takbo ng oras ay bumibilis
Ang tibok din ng puso'y walang mintis
Nakakatakot naman ang umibig
Pero kung ganyan ka makatitig
Nakakaakit pa ang iyong tinig
At parehas pa nga tayo ng hilig
Pero kung ang ating kwento
Ay puros kilig at 'di seryoso
Maari mo na akong bitiwan
Dahil hindi ko kayang masaktan
At kung ako ay dadalhin sa simbahan
Nais ko lamang malaman
Na kung ako ba ang magiging laman
Ng iyong puso, magpakailaman
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento