Iisang jeep ang ating sinakyan
Pero isa-isa kayong nagbabaan
Hanggang sa ako na lang ang laman
Ng jeep na minsan nating sinakyan
Mayroong mga nagmamadali
Malapit nang mahuli
Mayroong mga 'di mapakali
Malapit nang maihi
May nag-wa-one two three
May natutulog sa tabi
May nagdadaldalang magkaklase
May magjowang malandi
'Sang munting pasilip
'Yan ang buhay sa jeep
Saksi ang tsuper sa bawat trip
Kaya't sa biyahe, 'wag kang mainip
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento