PUP, ENTABLADO, DRAG RACE PH (2022)

    Malapit na akong mag-college. Sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) ako nakapasa kaya doon na rin ako mag-aaral. Sa totoo nga niyan dapat sa FEU-Roosevelt (Lamuan) ako e. Nakapagpasa na ako ng mga dokumento doon. Kaso naglabas ng resulta 'yung PUP e walang babayarang matrikula doon kaya doon ako. Taas din kasi ng babayarang matrikula sa FEU. Kaya doon ako, gusto ko naman talaga doon dahil alumnae doon ang Mommy ko. 

Nga pala, ang kursong kinuha ko ay AB Broadcasting. Pakak, makikita sa TV ang lola niyo at pwede ring mambulabog sa radio. Ewan ko, dream ko na siya dati pa talaga. 'Di lang talaga halata. Kasi ganto yan, ang nilalagay kong dream course noon ay Business Administration (kaloka ka, ito ang i-te-take ko dapat sa FEU, major dapat in marketing eme), Fashion Design, Film, at kung anu-ano pa. Pero lately kasi mas naging madiin at malinaw na baka sa news nga ako talaga. Kasi andaldal ko binabalita ko agad ang mga ganap sa buhay dito sa bahay. Saka naalala ko dati na nag-ala-reporter ako nung Grade 5. Diretso lang ang bunganga ko non RA-TA-TA-TAT ang peg. So, siguro ito na calling ko. Saka umiigting ang isyu hinggil sa pagpabor ng kasalukuyang administrasyon sa pagpapasok ng mga "vloggers" para sila ang magbalita 'di umano. Kaya't kailangan ng mga mamamahayag na may tibay ng loob upang labanan ang paglaganap ng disinformation sa ating lipunan, lalo na ngayong Digital Age. 

So ayun, sa October pa raw ang pasukan sabi ng mga seniors namin sa group chat na ginawa nila. Mababait sila at accomodating talaga sa mga katanungan ng mga possible blockmates ko. Kaya ngayon tengga muna ako, tagasalo ng mga utos at taga-gawa ng mga gawaing bahay.


Sinusulat ko na rin pala ang Entablado. Para sa 'di nakakaalam, iyon ay ang nobelang isinusulat ko. Kaya puros ganon ang tema ng mga tulang nasulat ko sa panahong ito. Sa ngayon may tatlong chapters palang na nasusulat. Perfectionist kasi ang ate niyo kaya antagal i-finalize ang mga kabanata. Pero may outline na ako so far, fina-finalize na lang talaga. May characters na naman, 'yung daloy at takbo na lang ng kwento ang pinag-iisipang mabuti.

May Drag Race Philippines na rin pala ngayon. Nakakatuwa, eggzoited na ko manood. Bet ko sina Precious Paula Nicole, Vinas Deluxe, at si Turing.

Ayun lang, update ko kayo ulit tungkol sa buhay-buhay ko hehe. 

Hanggang sa muli, 

Marikit.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

PAG KINALABIT KA, TATAKBO O SASAMA KA BA?

Nang may biglaang kumalabit Si Kamatayan ay lumalapit Ang dibdib sumikdo't namilipit Pwede ba manlimos kahit isang saglit ulit Hinahabol...