DILIM (2022)

Lumaki tayong naniniwala

Sa dilim nagtatago ang masama

Mga halimaw at kinatatakutang lahat na

Ngunit sa liwanag pala sila makikita


Sa tirik na tirik na araw sa katanghalian

Naglalakad sila nang malaya at nagngingitian

Imbes na mapiit sa bilangguan

Kapalit ng inosenteng napagbintangan


Ito ba ang pangarap natin para sa lipunan

Lipunang sa ating mga anak ay tahanan

Puno ng mga taong kinatatakutan

Na hindi sa dilim matatagpuan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

PAG KINALABIT KA, TATAKBO O SASAMA KA BA?

Nang may biglaang kumalabit Si Kamatayan ay lumalapit Ang dibdib sumikdo't namilipit Pwede ba manlimos kahit isang saglit ulit Hinahabol...