"GUSTO KO NG TUMANDA" (2022)

 Sabi ko noong ako'y bata pa

"Gusto ko ng tumanda"

Nagmamadali dahil kakaunti lang ginagawa

Nabuburyong ang pasaway na bata


Ngunit ngayong ako'y malaki na

Saka ko lang napagtanto na 'di pala masaya

Sana ay hindi ko minadali ang pagkabata

Dahil kung dumaan ito'y parang bula


Ngumiti at lumuha ka dahil ang buhay ay ganito

Dahil kahit gaano pa kadami ang pilak mo't ginto

Ang nakaraan ay hindi maibabalik nito

Kaya't bawat oras na dumaan sulitin mo

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

PAG KINALABIT KA, TATAKBO O SASAMA KA BA?

Nang may biglaang kumalabit Si Kamatayan ay lumalapit Ang dibdib sumikdo't namilipit Pwede ba manlimos kahit isang saglit ulit Hinahabol...