PANIBAGONG KABANATANG ISUSULAT NATIN (2022)

 Sa bawat oras na pumapatak

Nakatunghay sa puso mong nabibiyak

Ang puso kong durog at matang pagod kakaiyak

Dahil narito akong humahanga sa'yong tatag at tatak


Ang sayo'y magmahal 

Maituturing kong sugal

Maaring sandali, maaring magtagal

Maaring kumapit, maaring mapagal


Ngunit kung papakaisipin

Wala namang malayong bituin

Sa taong nais itong abutin

Sa taong nais itong mahalin


Kaya't kung ililingon mo sa akin 

Ay hindi ko na palalampasin

Ikaw ay hahagka't patatahanin

At ang panibagong kabanata'y isusulat natin

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

PAG KINALABIT KA, TATAKBO O SASAMA KA BA?

Nang may biglaang kumalabit Si Kamatayan ay lumalapit Ang dibdib sumikdo't namilipit Pwede ba manlimos kahit isang saglit ulit Hinahabol...