Sabi nila ang puso ay tila isang dagat
Taglay ang lalim ng tubig-alat
Dito lumalangoy ang pag-ibig na salat
Naghahanap ng paraan paano magiging sapat
Hindi pa nasasaliksik ang lahat ng karagatan
Mayroon pa ring lihim na hindi natatagpuan
Gaya ng taong walang mapagsabihan
Sinasarili ang bawat pinagdadaanan
Kung mayroon mang mangahas na sumisid
Sa kaliliman ng dagat na kay tagal na nakapinid
Mapalambot mo kaya ang taong namanhid
Sa lungkot ay nalunod kaya't nagkulong na sa silid
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento