"Sa mga mahahalimuyak at makukulay na bulaklak ng aking kabataang naisatitik para sa alaalang aking sasariwain at babalik-balikan."
KUMUSTA? (2021)
SA DULO NG DAAN (2021)
Sa dulo ng daan
Doon ba matatagpuan?
Ang ating naiwan
Naiwang pagmamahalan
Makakahanap ba ng paraan
Paraan para magpansinan
Magpansinan para malinawan
Malinawan sa nakaraang labuan
Ilang McDo pa ba ang kakainan
Para ika’y masulyapan
Para ika’y masilayan
Sa dulo pa ba ng daan?
HUWAG MONG IKUMPARA (2021)
Huwag mong ikumpara ang sarili sa iba
Ikaw ay sisne samantalang siya’y agila
Siya’y sa himpapawid at ikaw ay sa lawa
Huwag mong ikumpara ang sarili sa isang tao
Sa isang taong binasag kang parang baso
Na pagtapos ay papalitan ka ng bago
Huwag mong ikumpara ang sarili sa kaniya
Sa hardin kayo’y rosas at sampaguita
Kapwa mahalimuyak at kaaya-aya
Timbangin mo munang patas at wasto
Ang kakayanan mo, hitsura, at talento
Bago Ikumpara sa iba ang sarili mo
KUNG MAY LAPIS KA (2021)
Kung may lapis kang may tasa
Sumulat ka at nang mamulat ka
Mamulat ka at mamulat din ang iba
Sa mundong mapangahas at madaya
Na laging nasa laylayan ang mahirap at mahina
Kung may lapis ka at pambura
Sumulat ka at nang mabasa nila
Mabasa nila at mabasa pa ng iba
Ang mundong hindi nagbabalita
Ng mga hinaing ng mararalita
Kung may ballpen ka na may tinta
Iyan ay iyong sandata para ipaglaban sila
Ipaglaban sila at nang lumaban din sila
Sa mundong gagawin nating malaya
Ang bawat tao lalo na ang mahirap at mahina
SA ATIN PA BA ANG PILIPINAS? (2021)
Pilipinas, tila hamak na paninda
Inilalako ng lilo sa murang halaga
Sa imperyalistang Amerika
Sa Tsinang nangangamkam ng isla
Tayo raw ay kanilang probinsya
Talagang nakaaalarma
Dugong dumanak sa Luneta
Ay pawang isinasawalang-bahala
Sa atin pa ba ang Pilipinas?
Huwag na nating ipadanas
Sa bagong henerasyon
Ang sa banyagang persekusyon
HANGGANAN (2020)
ANG PAGSASAMA AY TINANINGAN
NG MAPAIT NA KATOTOHANAN
PWEDE PA NGA BA NATING HABAAN
PANAHONG PWEDE KAYONG TABIHAN
PWEDE BANG TUMIGIL ANG ORASAN
PARA TUMAGAL ATING KWENTUHAN
AT WAKASAN ANG MGA ALITAN
LALO NA AT MAY PINAGSAMAHAN
ANG MGA IYAKAN AT TAWANAN
HUWAG SANA NINYONG KALILIMUTAN
GANON MAN KAYO’Y SUSUPORTAHAN
SAAN MAN DALHIN NG KAPALARAN
KOMEDYA O TRAHEDYA (2019)
KUNG MAGWAKAS NA ANG AKING BUHAY
PAANO ILALARAWAN ANG NAGING PAGLALAKBAY
ANO KAYA ANG ISUSULAT NG MAY-AKDA
TALAMBUHAY NA KOMEDYA O TRAHEDYA?
SA SIMULA, PAANO AKO IPAKIKILALA
AKO BA’Y PROTAGONISTA O ANTAGONISTA
SA PAGTATAPOS NG PAGSASALAYSAY
HATID BA’Y TAMIS NG TAGUMPAY O PAIT NG PAGSABLAY
SA KWENTONG ITO NA AKO ANG KAKATHA
GAGAWIN KAYANG KOMEDYA NA NAGWAGI SA HULI ANG BIDA
O KAYA TRAHEDYANG KALUNOS-LUNOS ANG SINAPIT NG TAUHAN SA ISTORYA
SINO ANG TUTULARAN, SI HUDAS NA MADAYA O SI PEDRONG DAKILA
TALINHAGA (2025)
Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...
-
Bawat ukit ng palad, bawat lilok sa laman Inisip nang mabuti, nilagay dahil may dahilan Ang ‘di man masabi ng aking mga pobreng labi Ang s...
-
Disclaimer: This might contain spoilers for the series. So, if you have not finished reading it I suggest to return here once you compl...
-
Salamyaan is mentioned in the poem "Taga Marikina Ka" by Rodolfo S. Dela Paz, which was published way back February 20, 2000, in ...