Lumulubog na ang barko
Pero 'di na ako humingi ng saklolo
Iniipon na lang ang hininga
Sakaling mawalan ng malay bigla
Ang kapitan naman nasa salbabida
Lumalangoy sa dalampasigan ang punta
Samantalang ako ay unti-unting nilalamig
Ang puso ay humihina na ang pagpintig
Sa karagatan tuluyang nagpaiwan
Ang mga bangka ako'y nalimutan
Mahirap talagang iligtas
Ang taong sana'y maiwan pag wakas
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento