BIBITAWAN KO NA (2025)

 bibitawan ko na

kahit 'di mo naman hinawakan

lilimutin ko na

kahit saglit na kwentuhan


ayaw ko nang umasa

kasi siya naman talaga simula pa

pinipigilan ko na

kahit ang puso ay tinutuloy pa


'di naman na bago 'to

ikaw na nga ang pangatlo

pero bakit humahapdi

ang pusong 'di pinili

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

TALINHAGA (2025)

  Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...