Sabi nga ng isang pilosopo na si Rufa Mae Quinto,
“Ang
buhay ay parang gulong.
Minsan
nasa itaas.
Minsan
nasa ibaba.
Minsan nasa Vulcanizing Shop.”
MINSAN
NASA ITAAS
“Ang
mga maituturing na bulaklak ng ating kabataan
Dadalhin
at babaunin hanggang sa kamatayan.”
Minsan
ikaw ay nasa itaas na…
Ang buhay ay masaya
Ang
panahong walang problema
Kapiling
ang kaibigan at pamilya
Kapiling
ang taong mahahalaga
Mga pagkakataong
pinagsaluhan
Ang
tagumpay na pinaghirapan
Mga
taong pinagkakatiwalaan
Mga alaalang babalik-balikan
MINSAN
NASA IBABA
“Ang
mga taong nagbibigay sa atin ng lugod,
Ang
siya ring magbibigay sa atin ng lungkot.”
Minsan
ikaw ay nasa ibaba na puno ng…
Mga
mapapait na kasawian
Mga
taong nang-iwan
Mga
sandali ng kapanglawan
Mga
alaalang kinakalimutan
Ang
oras na patuloy sa pagtakbo
Habang
ako’y sugatan at naghihingalo
Ang
humagupit na malakas na bagyo
Ang mga
aral na sa akin ay nagpayuko
MINSAN
NASA VULCANIZING SHOP
“Ang mga aral na bunga ng araw na sumikat sa
pinagtamnan
Ang mga aral na bunga ng ulang pumatak sa halamanan
Sa aking buhay ay lagi’t lagi kong pakatatandaan.”
Nawalan man ng inspirasyon
Ang agos ay hindi sumasang-ayon
Hindi pa huli ang panahon
Para huminga at maghanap muli ng direksyon
Minsan ikaw ay nasa vulcanizing shop
Hindi ka nalayo sa iyong pangarap
Huminto ka lamang para lumanghap
Ng sariwang hangin habang nakatingin sa alapaap
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento