Hello, I'm back to back.
Kakatapos lang namin ang 1st Semester ng Grade 12. Medyo mahirap at matrabaho 'yung mga pinagawa pero keri lang naman. Nag-radio drama, nag-film ng music video para sa sinulat ng kanta (pero kumuha kami ng tune sa ibang song pinalitan lang ng lyrics), nagsulat din ng maraming papers, at maraming mga formative assessments.
Nagpa-vaccine na rin kami no'ng November 15 (1st Dose) at December 14 (2nd Dose). Maayos at may sistema naman ang mga location ng vaccination kaya madali lang proseso. Magaling magpalakad si Mayor Marcy.
Nagparegister na rin pala ako para sa nalalapit na Eleksyon 2022. Kaya boboto na rin ako. Napakalaking responsibilidad ang pagboto kaya't dapat itong pag-isipan. May ginawa kaming infomercial tungkol sa Eleksyon kaya nais ko lang ibahagi ang acronym na VOTE na maaring gamitin ng mga botante sa pagkilatis ng kandidatong ihahalal sa pwesto.
V - Verify information about the candidates
-Avoid fake news and research the information about the candidates in reliable resources
O - Our vote, our future
-Our vote matters because it gives us power to elect the leader.
“A single bee is ignored, but when millions come together, even the bravest run in fear. The one thing the government fears is the day we stand together”
T - Think, Think, and Re-Think
-Voters should decide with rational thinking and reasoning. For emotion does not constitute the fact that this candidate can or cannot lead. Vote with your mind and not with your heart.
E - Elect eligible and effective leaders
-Eligible, they have prove their educational attainment and records; and Effective, they have rendered their service and execute programs that benefitted Filipinos,
Nakakalabas-labas na rin naman kami pero sa mga importanteng mga bagay lang. Tulad ng pagpaparehistro ko, pagpapabakuna, pagsisimba, at ang pinaka-latest ang pagpapakuha namin ng litrato para sa diploma o Graduation Pictorial.
Ayun, nagkita-kita ulit kami ng mga kaklase ko. Pinapunta ko pa ;yung isa kong kaibigan, pumunta naman siya. Namigay ako ng letters sa mga kaibigan ko kasi 'di ko sila nabigyan last school year
Tapos nagpasko na 'di ba. Sobrang simple lang ng celebration namin. Nagsimba kami saka kumain saka nagpunta dito 'yung mga pinsan ko (s kabilang bahay lang naman sila lol).
Na-realize ko rin na 'di ko dapat dinedepende sa materyal na bagay ang pagiging masaya sa pasko kasi nasa mga kasama mo sa buhay tulad ng pamilya, at ang mga alaalang babalikan mo. At pinakamahalaga ang dahilan ng pagdiriwang ay si Hesus. Siya ang dapat na maging sentro ng ating buhay.
'Yun lang tapos ang dami ko palang planner. Lima na ata. 'Yung iba 2020 pa.
See you ulit <3
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento