MAPAGLARO NGA ANG TADHANA (2022)

 Naglipat na ng pahina

Umusad na ng kabanata

Samantalang ako'y naiwan pa

Doon sa pinakaumpisa


Sa librong tayo ang kumatha

Tayo rin ang siyang protagonista

Sadyang mapaglaro nga ang tadhana

Dahil ipinagkait sa 'tin ang wakas na masaya


Bakit ka pa nakilala?

Kung ang gugustuhin ko lang pala

Ay ang mabura at mawala ka

Sa aking mga alaala


Bakit pa sinulat ang nobela?

Kung sakit din pala ang dala

Ng mga iniwan mong alaala

Na bibitbitin hanggang pagtanda

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

TALINHAGA (2025)

  Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...