NALIGAW NA MANLALAKBAY (2021)

 Bawat galaw, bawat yapak

Sa liku-likong daang tinatahak

Ako'y naligaw, ako'y nahatak

Sa mundo ng mga palpak


Ngunit 'sang gabi sumilay

Talang maliwanag, talang malumanay

Ang pangalan niya'y 'Inay'

Tatanglaw sa 'king paglalakbay


Aking karumhan, aking kapangahasan

Bubog na natapakan sa daan

Pighating tinutuluyan

Iyong pinawi, iyong pinagaan


Naligaw man sa paglalakbay

Si Inay ay hinahanap akong tunay

Nang 'di mapariwara, nang 'di masinsay

Sa landas patungo sa walang hanggang buhay


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

PAG KINALABIT KA, TATAKBO O SASAMA KA BA?

Nang may biglaang kumalabit Si Kamatayan ay lumalapit Ang dibdib sumikdo't namilipit Pwede ba manlimos kahit isang saglit ulit Hinahabol...