Lasig na lasing at langong-lango
Sa alak na kung tawagi'y kalungkutan
Hatid sa 'kin ng mapapait na salitang binitiwan
Ayaw na ngang dumilat pa at gumising sa katotohanan
Nabibingi sa ingay ng kapaligiran
Nais mawalang parang bula rito sa sandaigidigan
Nang makawala sa hapdi't sakit na nararamdaman
Dahil sa bawat araw ang puso'y kumikirot at nagdurugo
Sana sa 'king pagmulat sa araw na panibago
Ngiti ang nakapinta sa aking mukha at sa mundo
Dahil naniniwala akong pagktapos ng ulan
Magpapakita ang bahagharing hudyat ng panibagong simula
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento