TUNAY NA ESENSYA NG PASKO (2021)

 Mga nakatatakam na mga handa

Mga ilaw na nagkikislapan

Mga taong may ngiti sa mukha

Mga simbahang napapalamutian


Ang dahilan ng pagdiriwang

Ay ang Panginoong isinilang

Para ang mundo'y ihatid

Sa Amang mabuti'y nababatid


Kaya't sa ating pagsasaya

Ating isapuso't isadiwa

Ang tunay na esensya

Ay ang pagdating ng Poong Dakila

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

TALINHAGA (2025)

  Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...