Sa pag-ikot ng relo
Pinamigay ang piraso
Piraso ng aking puso
Sa mga dinaanang tao
Kaya't sa 'kin ay naubos
Tila 'sang kandilang upos
Nanghihina't nanlilimos
Umaasa sa pag-ibig na lubos
"Sa mga mahahalimuyak at makukulay na bulaklak ng aking kabataang naisatitik para sa alaalang aking sasariwain at babalik-balikan."
Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento