nasilayan ang mukha
pamilyar sa mata
ang sulyap naging titig
hanggang itigil ko na
kaya 'di ko na kinumpirma
kung ikaw ba talaga
kung sino ang kasama
kung ako'y nakita ba
tumingin lang, 'di na lumingon
kahit sumulpot ka pa dito at doon
nawawala na ang noon sa ngayon
tumahimik na ang mga bulong
lumawala ang mga nakakulong
dahil iniisip ko na lang
nasa kabilang buhay ka na
para wala nang umaaligid na multo
nabubura na ang pangalan sa lapida
naghihintay ka na siguro sa purgatoryo
pumipila sa bantay na si san pedro
habang ako lumalakad papalayo
ako na ang dumidistansiya
dahil tanggap ko na
walang ikaw at ako
paalam na
ps:
nakita ko kasi siya. pamilyar 'yung salamin. 'yung boses. 'yung t-shirt. kaya in-overtake-an ko siya. 'di na ako lumingon. niyakap ko na lang ang hawak kong plastic envelope. huminga. naglakad papalayo. actually, magpapapirma sa chairperson.
huling tula na rin para sa kaniya. paalam.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento