LARO NG PAG-IBIG (2025)

 Gustong-gusto kong gustuhin naman ako Pero paano, ako naman itong laging lumalayo Nagkukunwaring matapang pero sa totoo’y naduduwag  Nagsisikip-sikipan pa kaya’t hindi lumuluwag

Itataya ko ba ang sariling tinatangi sa perya

Ano kaya ang nasa likod ng kaniyang mga baraha

Uubusin ko lang ba ang aking oras at mga barya

Sa pagsuyod kung may premyong maiuuwi pa


Ngunit may nagsabi sa’kin na hindi ako matututo

Kung hindi ko patitibukin ang aking pihikang puso

Sa laro ng pag-ibig maaring manalo o matalo

Ang mahalaga sa bawat laro, ikaw ay matututo


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

PAG KINALABIT KA, TATAKBO O SASAMA KA BA?

Nang may biglaang kumalabit Si Kamatayan ay lumalapit Ang dibdib sumikdo't namilipit Pwede ba manlimos kahit isang saglit ulit Hinahabol...