IKA-39 TAON NG EDSA REVOLUTION SA MGA PILIPINO DITO AT PILIPINO DOON: REPLEKSYONG PAPEL SA SOSYOLOHIKAL NA IMAHINASYON NINA MILLS AT BLUMER (2025)


Kahit pilit pigilan ang EDSA Revolution sa ika-39 taon nito bilang isang ganap na paggunita sa ating bansa, hindi naman nito mabubura ang malaking epekto sa kasaysayan nating mga Pilipino. Lalo’t higit dapat itong alalahanin sa kasalukuyan dahil nakaupong muli ang pamilya ng dating diktador sa MalacaƱang. Katulad ng konsepto nina Mills at Blumer, ang ating mga personal na buhay daw ay karugtong at kaputol ng ating kasaysayan, aking hinanap ang koneksyon ng EDSA sa mga OFW at kabataan ngayon. Ano nga ba ang kahalagahan ng EDSA sa atin gayong matagal na itong nangyari?


PILIPINO DOON

Ang aking ama ay 2nd generation Overseas Filipino Worker (OFW) sa Saudi Arabia bilang driver, nauna ang aking lolo na nagtrabaho dito bilang professional barber noong dekada ‘80. Noong pagsisimula ng dekada ‘70, ilang taon bago ang Martial Law at EDSA Revolution nagsimulang magpadala ng mga manggagawang Pinoy sa Saudi Arabia. (Dumia, 2010). Isa sa mga nabanggit ng aking tatay na dahilan sa pangingibang-bansa ay ang mas mataas na halaga ng dolyar sa piso bunsod ng inflation rate na napagdaanan na ng Pilipinas noong panahon ng Batas Militar. Noong dekada ’70 ay naitala ang double digit inflation rates kaya’t mas pinipili ng karamihan ang maging FIlipino overseas worker. (Punongbayan, 2021). Kaya’t patuloy na nanawagan ang mga Pilipino doon o mga OFW gaya ng aking ama na mapangalagaan ang mga manggagawang Pinoy sa loob o labas man ng bansa.


PILIPINO DITO

Isa rin sa binunga ng pagtuldok sa Batas Militar ay pagbibigay-boses sa mga kabataan na siyang sinikil ng nakaraang diktadurya. Kaya’t tulad ng isang Sangguniang Kabataan Chairman na nagsasagawa ng mga proyektong naglalayong tugunan ang suliranin ng out-of-school youth, mental health concerns, limited access to quality education, livelihood, at plastic waste. Ngunit, isa sa mga nais niyang pagtuonan ng pansin ay ang mababang partisipasyon ng mga kabataan sa proyekto ng SK o ng barangay dahil alam niyang ‘di permanente ang kaniyang posisyon kaya’t gusto niyang hubugin ang susunod na kabataang magiging lider at nang mahikayat ang mga Pilipino dito na makilahok at makialam sa mga usaping panlipunan.


MODERNONG BAYANI  AT PAG-ASA NG BAYAN

Tinataguring modernong bayani ang mga OFW at pag-asa ng bayan ang mga kabataan ngunit tila hindi pa rin nabibigyang-boses ang mga isyung nakaaapekto sa kanila at sa mga mamamayang Pilipino. Kaya’t nananatiling buhay ang diwa ng EDSA sa mga modernong bayani at pag-asa ng bayan kung saan patunay silang ‘di natin kailangan gumamit ng dahas upang makamit ang “unity” ang kailangan natin nagkakaisang paghalal sa isang responsable at may pananagutang gobyerno para sa masa habang tayo’y nagmamartsa sa hinaharap na pantay-pantay at maunlad. Tunay ngang may koneksyon ang kasaysayan at isyung panlipunan sa ating personal na buhay at mga problema gaya ng konsepto nina Mills at Blumer kaya’t makibahagi tayo sa pagbabago ng ating bansa Pilipino man tayo dito o doon, noon at ngayon, lahat ay may koneksyon.


SANGGUNIAN

  • Dumia, M. (2010). Of Dreams, Sweat, and Tears: The Kingdom of Saudi Arabia and the Modern Filipino Heroes. Philippine Studies. Vol. 58, No. 4, Basketball Fandom.

  • Punongbayan, J. (2021, December 29). [ANALYSIS] Hindi ‘golden age’ ng ekonomiya ang Batas Militar.https://www.rappler.com/voices/thought-leaders/analysis-martial-law-not-golden-age-philippine-economy/

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

PAG KINALABIT KA, TATAKBO O SASAMA KA BA?

Nang may biglaang kumalabit Si Kamatayan ay lumalapit Ang dibdib sumikdo't namilipit Pwede ba manlimos kahit isang saglit ulit Hinahabol...