AKO AY AKO, IKAW AY IKAW (2025)

Takbuhin ko man ang sandaang kilometro

Languyin ko man ang karagatang Pasipiko

Akyatin ko ang tuktok at rurok ng bundok sa mundo

Liparin ko man ang sanlibong ulap sa kalangitang ito

Ako ay ako, ikaw ay ikaw, malayong-malayo


Tignan ko man ang sarili sa salaming nanlalabo

Timbangin ko man ang aking bigat na kilo-kilo

Sukatin ka man ang talas at lalim ng aking talino

Ungkatin ko man ang kabaitang taglay ng aking puso

Ikaw ay ikaw, ako ay ako, hindi magiging pareho


Nagsimula nga ang ‘ako’ sa pagwawakas

Nagkubli ang aking pagkatao sa pagkalas

Sumisibol ang tunay sa huwad sa paglalagas

Pumupurol ang pagkukumpara sa pagtalas

Pagkat ako ay ako, ikaw ay ikaw, walang pagtutulad na patas

 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

PAG KINALABIT KA, TATAKBO O SASAMA KA BA?

Nang may biglaang kumalabit Si Kamatayan ay lumalapit Ang dibdib sumikdo't namilipit Pwede ba manlimos kahit isang saglit ulit Hinahabol...