KAPAG AKO AY HUMIMLAY AT MAGPANTAY NA ANG PAA (2025)

Kapag ako ay humimlay at magpantay na ang paa

Nais kong iwanan ang aking bawat pangamba

Tanging babaunin ang tinatanging mga alaala

Bitbit ang ngiti ng kasibulan at dumalisay na pagluha


Kapag ako ay malalagutan na ng aking hininga

Sana ay makapagpaalam akong handa at maligaya

Sa mga taong nagbigay-kulay sa buhay kong pininta

Para wala akong taglay na panghihinayang sa’king diwa


Kapag ako ay namayapa at sumakabilang-buhay na

Nais kong iwanan sa mundo ang pag-ibig, ang pag-asa

Dahil kung ‘di ako iibig ay anong saysay ng pusong may sinta

Hindi man ako perpekto ngunit sana ay inyong magunita

 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

PAG KINALABIT KA, TATAKBO O SASAMA KA BA?

Nang may biglaang kumalabit Si Kamatayan ay lumalapit Ang dibdib sumikdo't namilipit Pwede ba manlimos kahit isang saglit ulit Hinahabol...