YEAR-END RECAP (2022)

JANUARY
  • January 1 - Nagsuot ako ng pink for New Year.
  • Nag-start ako mag-selfie everyday for the rest of the year
  • Nagkasakit kami nito dahil sa Delta Variant yata or Omicron. Buong Pilipinas yata ay nagkasakit

FEBRUARY
  • Grade 12 pa rin ako pala nito. 
  • February 10 - Birthday ni Mama.
  • Bitch na Peke Challenge by Toni Fowler.
  • Performance Task sa Christian Formation na Saint-Look-a-Like ang ginawa ko si St. Dominic Savio then nagpalit ako kasi medyo haggard mga kuha ko doon. Ang pinilit ko si San Jose Sanchez Del Rio na simple lang 'yung look naka-white long sleeve at naka-maong pants.
  • Brainstorming para sa Community Plan.

MARCH

  • March 3 - 18th Birthday ko. Legal na ako grabe naman.
  • March 12 - Birthday ni Lhelhe
  • March 14 - Birthday ni Papa
  • Ginawa ko 'yung Geomari Learns para sa isang Integrated na PETA namin. I enjoyed naman doing that so much.
  • Start na rin ng filming namin ng Pansamantagal: The Short Film

APRIL
  • April 2 - 18th Birthday ni Jaja sa McDonalds.
  • Actual filming ng Pansamantagal: The Short Film
  • Nag-shoot kami ng friends/groupmates ko sa Our Lady of the Abandoned Parish
  • Post-production ng Pansamantagal; the Short Film
  • Finale ng Ru Paul's Drag Race S14
  • April 27 -  Birthday ni Mommy
  • Miss Universe Philippines 2022
MAY
  • Pasahan ng Community Engagement Plan
  • May 7 - MAPSA Inter-School Competition - Community Engagement Plan - 2nd Place
  • May 8-  Nanood kami ng sine - Doctor Strange: Multiverse of Madness
  • May 9 - First time voter - Kulay Rosas ang Bukas
  • May 19 Graduation Practice
  • May 21 Baccalaureate Mass
  • May 24 Graduation Practice
  • May 26 - Senior High School Graduation with Honors and Work Immersion Award

JUNE
  •  June 4 - Nag-apply sa FEU-Roosevelt Marikina ng Marketing Management
  • June 9 0 Birthday ni Sean
  • June 12 - Watched Dead Poets Society and I was never the same
  • June 15 - I passed CAEPUP with my first choice AB Broadcasting
  • June 18 - Nanay's Birthday
  • Nagpapicture for 1x1 and kinuha ang Good Moral para isusubmit
  • June 27 - Nagsimba sa Baclaran then dumiretso sa PUP (first time ko) para ipasa 'yung requirements

JULY

  • July 4 - Birthday ni Angie
  • Bakasyon Mode pa
  • Nag-join sa seminar ng Bilog na ang speaker ay from Rappler
  • Sumali sa group chat ng BABR Freshies

AUGUST
  • Start na ng klase nila and bakasyon pa rin ako
  • Umuwi si Daddy galing abroad
  • August 19 - Birthday ni Daddy
  • Our Yesterdays Escape
  • August 30 - Nagkita kami ulit ng Elementary BFF ko after 7 years

SEPTEMBER
  • September 1  - Birthday ni Mama Aning
  • September 2 - Celebration
  • September 10 - Alis ni Daddy
  • Bakasyon pa rin kamis
  • "Titikman" Meme
  • Bilog's Industriya Webinar -  Jeff Canoy, MJ Felipe, Antoinette Jadaone, Jon Moll, and Mikhail Red
  • Wala ako sa listahan ng section kaya nagpunta kami sa PUP and na-overlook lang daw pero enrolled ako
  • September 29 - Nagkita kami ng Elementary friends ko galing siya Amerika


OCTOBER
  • October 10 - Balik-Sinta
  • Start na ng klase at hinanap namin isa-isa ang mga professor na parang infinity stones
  • BABR 1-2D - Artikulados
  • Maraming Freshie Welcome
  • October 21 - Midnight
  • October 22 - Vocation Festival
  • October 22 - Passing Away of my Aunt Tati
  • October 23 - Birthday of Tati
  • October 25 - Burol
  • October 26 - Nilibing na siya 

NOVEMBER
  • November 2 - Bumisita kami sa Sementeryo ng Lolo, Tito, at Tita ko
  • Start na ng mga college requirements
  • November 10 - Nireto ako sa class rep ng ibang block pero fail HAHAHA
  • November 11 - Nagkita kami ni Ara para magchismisan
  • Filming ng Jeproks para sa ICM Midterm Requirement
  • November 20 - Birthday ni Ate at Nonoy

DECEMBER
  • December 1 - Spotify Wrapped (Top Artist - Ariana Grande & Top Song - Gusto Ko Ang Nota)
  • Nagsimba sa Our Lady of Light sa Cainta
  • Mga requirements
  • Nag-simbang gabi ulit after 2 years
  • December 24 - Nagsimba andd Noche Buena
  • December 25 - Pasko
  • December 31 Media Noche


SHOWS, MOVIES, PLAYS, DOCUMENTARIES I HAVE WATCHED 2022 (2022)

🔴TV Shows 

🟠Netflix Series

🟡Reality Competition

🟢Movies

🔵Plays

🟣Documentaries

🟤Short Film



🟢Encanto 🇨🇴

🟢Eternals 🇺🇲

🟢Shang Chi and The Legend of Ten Rings 🇨🇳

🔴The Kangks Show 🇵🇭

🟡SuperModelMe Revolutionary 🇸🇬

🟠All of Us Are Dead 🇰🇷

🟢Deds na Si Lolo 🇵🇭.

🟢Moments of Love 🇵🇭

🟡America's Next Top Model Cycle 20 🇺🇲

🟡America's Next Top Model Cycle 21 🇺🇲

🟡Ru Paul's Drag Race UK VS The World🇬🇧

🟠Kotaro Lives Alone 🇯🇵

🟡Ru Paul's Drag Race UK S2🇬🇧

🔴Attack On Titan S4 P2 🇯🇵

🟠Business Proposal 🇰🇷

🟢A Very Special Love 🇵🇭

🟠Anne with an E 🇨🇦

🟡Ru Paul's Drag Race S14🇺🇲

🟠Anne with an E S2 🇨🇦

🟠Anne with an E S3 🇨🇦

🟠Heartstopper 🇬🇧

🟢Ang Babaeng Allergic sa Wifi 🇵🇭

🔴School 2017 🇰🇷

🟢Doctor Stranger 2: Multiverse of Madness 🇺🇲

🟢Everything Everywhere All At Once🇨🇳

🟠Stranger Things S4 🇺🇲

🟢2 Cool 2 Be 4gotten 🇵🇭

🟢Dead Poets Society 🇺🇲

🟢Spider-man: No Way Home 🇺🇲

🟢Fantastic Beasts: Secrets of Dumbledore 🇬🇧

🟠Umbrella Academy S3 🇺🇲

🔴Spy X Family 🇯🇵

🟢Thor: Love and Thunder 🇺🇲

🔴Remake our Life 🇯🇵

🟡Ru Paul's Drag Race All Stars All Winners 🇺🇲

🟢The Entitled 🇵🇭

🟢Kung Fu Panda 🇺🇲

🟢The Boy In Striped Pajamas 🇬🇧

🟠Mga Kwentong Epik: Maria Makiling 🇵🇭

🟠Julie and the Phantoms 🇺🇲

🟠Never Have I Ever 🇺🇲

🟠Never Have I Ever S2 🇺🇲

🟠Never Have I Ever S3 🇺🇲

🟠Q-Force 🇺🇲

🟡Glow Up S4 🇬🇧

🟡Drag Race Philippines 🇵🇭

🟡Drag Race Philippines Untucked🇵🇭

🔴Erased 🇯🇵

🟢Dollhouse 🇵🇭

🟢20th Century Girl 🇰🇷

🟠Mga Kwentong Epik: Osyana 🇵🇭

🟢Howl's Moving Castle 🇯🇵

🟢Enola Holmes 2 🇬🇧

🟢Corpse Bride 🇺🇲

🟢Spirited Away 🇯🇵

🟢Whisper of the Heart 🇯🇵

🟢From Up on Poppy Hill 🇯🇵

🟡Ru Paul's Drag Race UK S4 🇬🇧

🟠Wednesday 🇺🇲

🟢Lightyear 🇺🇲

🟢The Maze Runner 🇺🇲

🟢Wild Child 🇺🇲

🟠Emily in Paris S3 🇫🇷

🟠Alice in Borderland 🇯🇵

🟠Alice in Borderland S2🇯🇵

🟡Canada's Drag Race: Canada VS The World 🇨🇦


ON GOING

Maria Clara and Ibarra 🇵🇭

Spy X Family Part 2 🇯🇵

My Hero Academia S6 🇯🇵

Drag Den Philippines 🇵🇭



DIWA DIWATA (2022)

[DIWA DIWATA by KasibulanNiMarikit: Salin sa Filipino]

Si Diwa at ang kanyang mga kaklase ay nasa gymnasium ng kanilang paaralan para manood ng pagtatanghal ng mga diwata. Tutok na tutok ang mga mata niya sa entablado.

Nakapangalumbaba siya at bumulong, "Gusto kong maging diwata." Sumasabay siya sa pagkanta at pagsayaw ng mga diwata.

Matapos ang pagtatanghal ay pinauwi na sila ng kanilang guro. Naghihintay naman sa labas ang kanyang nanay para sunduin siya.

Sabay-sabay na lumabas ang mga magkakaklase at tumakbo papunta sa gate.

Isang batang lalaki na kaklase ni Diwa ang lumapit sa nanay nito at sinabi,"Bakla po ba ang anak niyo?Kasi para po siyang babae kumilos." 

Nagulat ang nanay ni Diwa sa hindi inaasahang sinabi ng batang lalaki kaya wala siyang nasabi rito.

Bumalik ulit siya sa ulirat nang marinig niya ang tinig ni Diwa. na bumati sa kanya, "Hello Nay, natuwa ako sa mga pinanood naming diwata kanina."

Pagkauwi nila pumasok si Diwa sa kwarto nila at nag-isip kung ano ang ang kanyang gagamitin para maging diwata. Ang nanay niya ay pumunta sa kusina para magluto.

Tumayo siya sa salamin hawak ang kumot at tuwalya. Tinapis niya ang kumot parang isang bestida. Ang  tuwalya naman ay binalunbon niya sa ulo parang isang mahabang buhok.

Pinalamutian niya ang kanyang ulo at tainga ng bulaklak galing sa plorera nila. Kinuha niya ang lapis at iwinagayway niya itong parang isang wand tulad ng sa mga diwata.

“Diwa, kain na," narinig niyang tawag ng kanyang nanay.

Hindi na siya nakapagbihis pa at nabuksan na ng kanyang nanay ang pinto. Naabutan niya itong nakatapis ng tuwalya, nakabalunbon ang ulo ng tuwalya, at may palamuting bulaklak sa tainga.

“Diwa… napakaganda mo naman," sabi niya sabay lakad papunta kay Diwa at niyakap ito nang mahigpit.

“S-salamat nay," mangiyak-ngiyak na bulong nito sa kanyang nanay.

Pinahiran agad ng kanyang nanay ang kanyang luha.

"Huwag ka na umiyak, mahal na mahal kita, Diwa." sabi niya.

"Nay, gusto ko maging isang diwata kagaya ng nasa school," masiglang sabi niya.

"Sige ngayon ikaw na si Diwa Diwata," nakangiting sabi ng nanay niya.

"Diwa Diwata," masayang sigaw niya habang kumikislap-kislap ang mata nito. Abot-tainga rin ang ngiti ng kanyang nanay. 

“Tutulungan ka ni nanay para ikaw ang maging pinakamaganda at pinakamabait na diwata sa buong mundo," sabi niya sabay halik sa pisngi ni Diwa.

Matapos nilang kumain, magkayakap silang nanood sa telebisyon ng mga diwata.

Nakatulog na sila sa kanilang kinauupuan. Sa panaginip sila ay parehong diwata na lumilipad at nagbabahagi ng mahika sa mga tao.

Nakangiti silang punong-puno ang puso ng tuwa, pag-ibig, pagtanggap, at... mahika.


"Pwede mong abutin ang pangarap mo maging ano at sino ka man."

AUTHOR'S NOTE:
Ang kwentong ito ay aking love letter sa limang taong gulang na ako. Hango ito sa aking karanasan at nais kong ipabatid sa mga kabataan at magulang na makakabasa nito na walang mali sa pagiging isang bakla. Pagtanggap, pagmamahal, at pagsuporta ang dapat natin ipalaganap kalakip ng isang mahigpit na yakap. Nawa'y mahanap natin ito sa ating puso tulad nina diwa at ang kanyang ina.  

PASKO... PASKO... PASKO NA NAMANG MULI (2022)

Ngayong pasko 18 na ako. Matanda na sa mata ng mga tao. Pero naka-receive pa rin ako ng pera. Nakakatuwa. Pero, the more that I age, the more I realize that giving is as fulfilling as receiving. The essence of Christmas is about giving. (A little bit religious) Jesus gave himself to us in Christmas Day. It is His day, but He choose to give us gifts instead. So the value of selflessness is what the Christmas is all about. 

Sa tingin ko kung bakit marami ang nagsasabi na hindi na nila dama ang pasko. Bukod sa feeling main character sila. KIMMY! Hindi naman dapat sa atin nag-re-revolve ang pasko. It should be celebrated with the people with love. If you feel na walang love sa paligid mo. Then my favorite quote from Retreat 2016 was, " If there is no love. Give love. And there will be love." Ikaw mismo ang magpakita ng pagmamahal sa pamilya mo. In ways that you know. Kahit 'di ka showy, it can be in a way na magbonding kayo through decorating, cleaning and cooking.

Pasko... pasko... pasko na namang muli. Panahon na naman ng pagsasabit ng mga palamuti, pagluluto ng masasarap na pagkain, at pagsasama ng mga pamilya. Kaya masaya man tayo o malungkot, ipagdiwang natin ito kasama ang mahal natin.

Maligayang Pasko

KWENTO MO (2022)

 Sa samu't saring kwentong sumulpot at kumalat

Sa dinami-rami ng mga naisulat at isusulat pang mga aklat

Alam mo ba na ang kwento mo ang pinakamahalaga sa lahat?


Ang mga pangarap na ninamnam sa pagpikit

Ang mga kumikislap na bituing sinusungkit

Sa bawat kabanata ang pangarap ay papalapit na nang papalapit


Bawat karanasan - tuwa o panglaw man ang dulot sa atin

Ang pagpapatuloy sa buhay ay huwag kalilimutan

Dahil ang simula ay kasing halaga rin ng hangganan

PATIBONG (2022)

Tinahak ko ng mag-isa at mabagal ang usad

Ang isang masukal at peligrosong gubat

Walang liwanag ng araw o buwan ang maaninag

'Di mo namamalayang nahulog ka na pala sa bitag


Sa madlang pagsigaw at pagbitaw

Ng salitang walang pag-ibig

Sa walang habas na pagsipa at paghila

Ng buto't lamang nanginginig


Nahuli ka na sa pusod ng kagubatan

Nahulog sa patibong na pinag-isipan

Makakatakas pa kaya rito o dito na aabutan ng pagputi ng mata

Makakalaya pa kaya rito o dito na aabutan ng leong sugapa

SALO (2022)

 Sila ang dumadayo 

Sa lugar na malalayo

Pero ikaw ang tagasalo

Ng mahihigpit nilang pamalo


Ikaw ang iniwan

Sa dami ng kasalanan 

Ang puno't dahilan

Kawalan ng puso't kalooban


Kailan magtatagpo ang ikaw at ako?

Sa mundong bingi sa aking saklolo

Saan hahantong ang iniwan at dumayo?

Sa daanan bang ang sakitan ay walang hinto

ISKOWENTO: Freshman Midterm Experience sa Sintang Paaralan (2022)

  Ito ang courses namin sa Bachelor of Arts in Broadcasting sa Sintang Paaralan:

  • COMM 001 - Introduction to Communication and Media (ICM)
  • GEED 001 - Understanding the Self (UTS)
  • GEED 002 - Readings in Philippine History (RPH)
  • GEED 003 - The Contemporary World (TCW)
  • GEED 004 - Mathematics in the Modern World (MMW)
  • GEED 032 - Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran (FPK)
  • PATHFIT 001 - Physical Activity Towards Health and Fitness 1 (PATHFIT 1)
  • CWTS 001 - Civil Welfare Training Service 1 (CWTS 1)

Sa amin natapat ang panibagong curriculum dahil Ika-isandaang anibersaryo ng Broadcasting sa Pilipinas. Isang makasaysayang pangyayari ang natapat sa unang taon ng aming pag-aaral sa kolehiyo. Kaya't nakaatang sa aming mabigat na responsibilidad na ipaglaban ang malayang pamamahayag. 

Ang paborito kong courses so far ay ICM at UTS. Napaka-interesting ng mga pinag-uusapan at ang paraan ng pagtuturo sa amin. Sa iba  no comment na lang. Sa evaluation na lang tayo magkita. HUY! 

ICM. Sa ICM ang interesting ng Midterm Requirement at Final Requirement namin. Sa Midterm pinagawa kami ng isang fun fact na video na may limit na 1 minute to 1 minute, 20 seconds. Magsisimula dapat ang video sa "Alam mo ba...". Ang napili naming paksa ng aking mga kagrupo ay ang pagsisimula ng kulay sa telebisyon. Retro ang tema ng aming video para cool. Mala-5&Up at Sineskwela ang atake namin. Sa Final Requirement naman pinagawa kami ng Analysis Paper about Media Use and Consumption. Interesting but quite rigorous.

CAREER TALK. Sa ICM pa rin mayroon kaming Career Talk na nakakatuwa. Ang unang guest ni Ma'am ay alumni ng PUP na pareho namin ng program. Nagtatrabaho siya sa Air Asia ngayon bilang External Communications OIC (as far as I remember). Nagbahagi siya ng kaalaman niya hinggil sa Public Relations. Iyan din ang paksang tinatalakay namin sa last session namin. Napakaraming natutunan mula sa buhay sa industriya ng media (sa print at radio) at sa buhay pamatay-sunog ng mga public relations officers. Ang isa naman ay production manager ng sikat na magazine program na Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS). Ang concise ng mga ibinahagi niya kung paano bumuo ng isang kwento. Dapat talaga laging may puso at isang public service ang pag-bo-broadcast. 

UTS. Kada session dito para kaming nasa therapy session healing our inner child. Grabe ang trauma dump. Pero Mx. grabe naman ang workload. Ang heavy naman. Pero so far naeenjoy ko naman ang mga journal entries ko. Napakagaling din nung short interactions namin per activity na mas nakikilala ko mga blockmates ko. 

Groupings. Puro kami groupings at ito ay ginagawa sa pamamagitan ng roleta. So far maayos naman ang mga kagrupo ko. Ang tatalino nilang lahat. Iba-iba ng manifestations ng talino. Pero ang huhusay nila sobra. Nakakainspire matuto at makipag-collaborate ng idea.

Ayan na ang MIDTERMS EXAMS na wala namang masyadong ganap. Buti naman. Na-meet na rin namin ang lahat ng prof namin sa wakas. Pero 'di weekly ang meeting namin. Every other week kami usually. 

By the way , 

PAIKOT-PAIKOT (2022)

 VERSE 1

O bakit ba?...

Tanong nang tanong, ‘di mapakali

Ang mga pangamba ay kinukubli

 

Saan ko ba matatagpuan?

Ang sarili ko dahil ‘di ko na ito namumukhaan

 

Saan ko ba matatagpuan?

Ang katapusan ng kwentong ‘di ko kayang matuldukan

 

CHORUS

O bakit ba parang paikot-ikot lang ako?

Dito sa mundo.

Bumabalik lagi sa umpisa...

Kailan kaya maabot ang dulo?

 

O bakit ba parang naiwan na ako?

Dito sa mundo.

Bumabalik lagi sa nakaraan...

Kailan kaya maabot ang wakas?

 

VERSE 2

Kailan ba ako matututo?

Na sa isinulat kong kwento

 

Ako lang ang magpapalaya

Sa kulungan kong kabanata

 

Aabot ba ako sa dalampasigan na hindi ko naman matanaw?

Aabot pa kaya sa kinabukasan na sumisikat ang araw?

 

BRIDGE

Samantalang sila ay mahimbing na natutulog

Ako naman ay parating nasusunog

Sa mga alaalang pilit hinahalughog

 

CHORUS


SONGWRITER'S NOTE:

Naranasan niyo na bang magpunta sa isang lugar pero parang hindi ka makarating sa pupuntahan mo kasi paikot-ikot ka lang. ganoon din ang naging pakiramdam ko. Isang bagay ang pilit kong 'di ginagawa at nililimutan pero bumabalik lagi sa umpisa. Lahat ng pinaghirapan ko ay nawalang parang bula. Subalit, ako ay babangon at tatakbuhin ang buhay hanggang marating ang dulo nito. Ako ay susulat na baon ang pag-asa na ang kabanatang ito ay mairaraos hanggang maisatitik ang wakas.

SINAG (2022)

[Alay sa Ina ng Kaliwanagan, Immaculada Concepcion, at Nuestra Señora de Guadalupe]


 Sa dilim ng gabi

Inaantay ang sinag parati

Nang ang loob ay bumuti


Sa yanig ng lupa

Ang ngalan mo ay laman ng dila

Nananalangin iligtas tuwina


Ang sinag ng araw

Sa pag-ibig ay nagpapalinaw

Kahit saan man ay natatanaw


Ang sinag ng buwan

Yumayakap sa 'king kapanglawan

Inaaliw akong nasasaktan


Tanglawan kaming lagi aming Ina

Sa mundong puno ng hapis at dalita

Dalhin kami sa kahariang maligaya





PAG KINALABIT KA, TATAKBO O SASAMA KA BA?

Nang may biglaang kumalabit Si Kamatayan ay lumalapit Ang dibdib sumikdo't namilipit Pwede ba manlimos kahit isang saglit ulit Hinahabol...