Ito ang courses namin sa Bachelor of Arts in Broadcasting sa Sintang Paaralan:
- COMM 001 - Introduction to Communication and Media (ICM)
- GEED 001 - Understanding the Self (UTS)
- GEED 002 - Readings in Philippine History (RPH)
- GEED 003 - The Contemporary World (TCW)
- GEED 004 - Mathematics in the Modern World (MMW)
- GEED 032 - Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran (FPK)
- PATHFIT 001 - Physical Activity Towards Health and Fitness 1 (PATHFIT 1)
- CWTS 001 - Civil Welfare Training Service 1 (CWTS 1)
Sa amin natapat ang panibagong curriculum dahil Ika-isandaang anibersaryo ng Broadcasting sa Pilipinas. Isang makasaysayang pangyayari ang natapat sa unang taon ng aming pag-aaral sa kolehiyo. Kaya't nakaatang sa aming mabigat na responsibilidad na ipaglaban ang malayang pamamahayag.
Ang paborito kong courses so far ay ICM at UTS. Napaka-interesting ng mga pinag-uusapan at ang paraan ng pagtuturo sa amin. Sa iba no comment na lang. Sa evaluation na lang tayo magkita. HUY!
ICM. Sa ICM ang interesting ng Midterm Requirement at Final Requirement namin. Sa Midterm pinagawa kami ng isang fun fact na video na may limit na 1 minute to 1 minute, 20 seconds. Magsisimula dapat ang video sa "Alam mo ba...". Ang napili naming paksa ng aking mga kagrupo ay ang pagsisimula ng kulay sa telebisyon. Retro ang tema ng aming video para cool. Mala-5&Up at Sineskwela ang atake namin. Sa Final Requirement naman pinagawa kami ng Analysis Paper about Media Use and Consumption. Interesting but quite rigorous.
CAREER TALK. Sa ICM pa rin mayroon kaming Career Talk na nakakatuwa. Ang unang guest ni Ma'am ay alumni ng PUP na pareho namin ng program. Nagtatrabaho siya sa Air Asia ngayon bilang External Communications OIC (as far as I remember). Nagbahagi siya ng kaalaman niya hinggil sa Public Relations. Iyan din ang paksang tinatalakay namin sa last session namin. Napakaraming natutunan mula sa buhay sa industriya ng media (sa print at radio) at sa buhay pamatay-sunog ng mga public relations officers. Ang isa naman ay production manager ng sikat na magazine program na Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS). Ang concise ng mga ibinahagi niya kung paano bumuo ng isang kwento. Dapat talaga laging may puso at isang public service ang pag-bo-broadcast.
UTS. Kada session dito para kaming nasa therapy session healing our inner child. Grabe ang trauma dump. Pero Mx. grabe naman ang workload. Ang heavy naman. Pero so far naeenjoy ko naman ang mga journal entries ko. Napakagaling din nung short interactions namin per activity na mas nakikilala ko mga blockmates ko.
Groupings. Puro kami groupings at ito ay ginagawa sa pamamagitan ng roleta. So far maayos naman ang mga kagrupo ko. Ang tatalino nilang lahat. Iba-iba ng manifestations ng talino. Pero ang huhusay nila sobra. Nakakainspire matuto at makipag-collaborate ng idea.
Ayan na ang MIDTERMS EXAMS na wala namang masyadong ganap. Buti naman. Na-meet na rin namin ang lahat ng prof namin sa wakas. Pero 'di weekly ang meeting namin. Every other week kami usually.
By the way ,
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento