Tinahak ko ng mag-isa at mabagal ang usad
Ang isang masukal at peligrosong gubat
Walang liwanag ng araw o buwan ang maaninag
'Di mo namamalayang nahulog ka na pala sa bitag
Sa madlang pagsigaw at pagbitaw
Ng salitang walang pag-ibig
Sa walang habas na pagsipa at paghila
Ng buto't lamang nanginginig
Nahuli ka na sa pusod ng kagubatan
Nahulog sa patibong na pinag-isipan
Makakatakas pa kaya rito o dito na aabutan ng pagputi ng mata
Makakalaya pa kaya rito o dito na aabutan ng leong sugapa
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento