VERSE 1
O bakit ba?...
Tanong nang tanong, ‘di mapakali
Ang mga pangamba ay kinukubli
Saan ko ba matatagpuan?
Ang sarili ko dahil ‘di ko na ito
namumukhaan
Saan ko ba matatagpuan?
Ang katapusan ng kwentong ‘di ko kayang matuldukan
CHORUS
O bakit ba parang paikot-ikot lang ako?
Dito sa mundo.
Bumabalik lagi sa umpisa...
Kailan kaya maabot ang dulo?
O bakit ba parang naiwan na ako?
Dito sa mundo.
Bumabalik lagi sa nakaraan...
Kailan kaya maabot ang wakas?
VERSE 2
Kailan ba ako matututo?
Na sa isinulat kong kwento
Ako lang ang magpapalaya
Sa kulungan kong kabanata
Aabot ba ako sa dalampasigan na hindi ko
naman matanaw?
Aabot pa kaya sa kinabukasan na
sumisikat ang araw?
BRIDGE
Samantalang sila ay mahimbing na
natutulog
Ako naman ay parating nasusunog
Sa mga alaalang pilit hinahalughog
CHORUS
SONGWRITER'S NOTE:
Naranasan niyo na bang magpunta sa isang lugar pero parang hindi ka makarating sa pupuntahan mo kasi paikot-ikot ka lang. ganoon din ang naging pakiramdam ko. Isang bagay ang pilit kong 'di ginagawa at nililimutan pero bumabalik lagi sa umpisa. Lahat ng pinaghirapan ko ay nawalang parang bula. Subalit, ako ay babangon at tatakbuhin ang buhay hanggang marating ang dulo nito. Ako ay susulat na baon ang pag-asa na ang kabanatang ito ay mairaraos hanggang maisatitik ang wakas.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento