HINDI AKO ANG IYONG TIPO (2022)

Hindi ako ang iyong tipo

Malayong-malayo

Ang agwat ng ikaw at ako

Sinlawak ng karagatang Pasipiko


Ako itong nagsusumiksik

Sa buhay ay mistulang tinik

Hindi nababagay kahit saan

Lalo na sa puso ninuman


Hindi ako ang iyong tipo

Sobra-sobra ang layo

Kaya't hahanga na lang ako

Sa distansyang tanaw ko ang tulad mo


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

TALINHAGA (2025)

  Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...