ROSARIO (2022)

Sa bawat maliliit na butil ng rosario

Panalangin ang alay para sa mundo

Sa bawat Aba Ginoong Maria

Ang bayang Pilipinas sa 'yo ay sumisinta


Tulad ng bawat isang misteryo

Gayon din ang bumabalot sa buhay ng tao

Mayroong tuwa at hapis

Mayroong liwanag at luwalhating matamis 


Ina namin sa langit 

Ang rosario aming inaawit

Kaya't sa oras ng sa mundong sakit

Saklolo mo sa ami'y ilawit






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

TALINHAGA (2025)

  Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...