O SAN HUDAS TADEO (2022)

O San Hudas Tadeo

Pintakasi ng mga nawalan ng pag-asa sa mundo

Samahan kami sa paglalakbay sa buhay na ito

Ikaw ang nagdadala ng sa amin ng dagling saklolo


O San Hudas Tadeo

'Wag hayaang mawalay kami sa Panginoong Hesukristo

Nang mapanatag ang loob naming puno ng pagkalito

Panalangin namin at pagsinta namin ay walang hinto


O San Hudas Tadeo

Sa iyong pagkandili inilalagay namin ang buhay na ito

Saklolohan kami sa karagatan ng kalungkutan sa mundo

Hanggang nandirito sa bayang puno ng tagumpay at pagkabigo



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

TALINHAGA (2025)

  Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...