SA ULAP KASAMA ANG AMING YAKAP (2022)

Maningning na tala sa kalangitan

Gabay sa gitna ng karimlan


Ngayon ikaw ay naglalakbay

Patungo sa kabilang buhay


Ngayon kami ay nagluluksa

Nangungulila sa iyong pagkawala


Titingala kami sa mga ulap

Umaasang dala-dala mo ang aming mga yakap


Mahal ka namin, Tati! <3 

Hanggang sa muling pagkikita natin sa kabilang buhay <3

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

TALINHAGA (2025)

  Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...