Ilang tula pa ba ang iaalay sa iyo?
Ilang liham pa ba ibibigay sa iyo?
'Di ba ako nagsasawa
Dahil sa iyo ito'y lipas na
Ang dami kong katanungan
Ngunit walang kasagutan
Dahil ako ay napaglipasan
Naiwan sa nakaraan
Nakulong na sa mga rehas
Gawa ng imahinasyong matalas
Kailan kaya makakaalpas sa pagkabiyak
Sa pag-ibig na kupas na ako lang ang humahawak
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento