MABUTING KWENTO (2025)

 Bawat ukit ng palad, bawat lilok sa laman Inisip nang mabuti, nilagay dahil may dahilan

Ang ‘di man masabi ng aking mga pobreng labi

Ang sa aking panulat ang tahimik na maghahabi


Ako ay hamak na lupa lamang sa engrandeng mundo

Pawang buhangin sa karagatan ng mga tao


Ngunit ang presensiya ko ay sinisinsin ang pagbuo

Nang sa gayon sa pagpanaw ako ay maging mabuting kwento


LARO NG PAG-IBIG (2025)

 Gustong-gusto kong gustuhin naman ako Pero paano, ako naman itong laging lumalayo Nagkukunwaring matapang pero sa totoo’y naduduwag  Nagsisikip-sikipan pa kaya’t hindi lumuluwag

Itataya ko ba ang sariling tinatangi sa perya

Ano kaya ang nasa likod ng kaniyang mga baraha

Uubusin ko lang ba ang aking oras at mga barya

Sa pagsuyod kung may premyong maiuuwi pa


Ngunit may nagsabi sa’kin na hindi ako matututo

Kung hindi ko patitibukin ang aking pihikang puso

Sa laro ng pag-ibig maaring manalo o matalo

Ang mahalaga sa bawat laro, ikaw ay matututo


KAPAG AKO AY HUMIMLAY AT MAGPANTAY NA ANG PAA (2025)

Kapag ako ay humimlay at magpantay na ang paa

Nais kong iwanan ang aking bawat pangamba

Tanging babaunin ang tinatanging mga alaala

Bitbit ang ngiti ng kasibulan at dumalisay na pagluha


Kapag ako ay malalagutan na ng aking hininga

Sana ay makapagpaalam akong handa at maligaya

Sa mga taong nagbigay-kulay sa buhay kong pininta

Para wala akong taglay na panghihinayang sa’king diwa


Kapag ako ay namayapa at sumakabilang-buhay na

Nais kong iwanan sa mundo ang pag-ibig, ang pag-asa

Dahil kung ‘di ako iibig ay anong saysay ng pusong may sinta

Hindi man ako perpekto ngunit sana ay inyong magunita

 

AKO AY AKO, IKAW AY IKAW (2025)

Takbuhin ko man ang sandaang kilometro

Languyin ko man ang karagatang Pasipiko

Akyatin ko ang tuktok at rurok ng bundok sa mundo

Liparin ko man ang sanlibong ulap sa kalangitang ito

Ako ay ako, ikaw ay ikaw, malayong-malayo


Tignan ko man ang sarili sa salaming nanlalabo

Timbangin ko man ang aking bigat na kilo-kilo

Sukatin ka man ang talas at lalim ng aking talino

Ungkatin ko man ang kabaitang taglay ng aking puso

Ikaw ay ikaw, ako ay ako, hindi magiging pareho


Nagsimula nga ang ‘ako’ sa pagwawakas

Nagkubli ang aking pagkatao sa pagkalas

Sumisibol ang tunay sa huwad sa paglalagas

Pumupurol ang pagkukumpara sa pagtalas

Pagkat ako ay ako, ikaw ay ikaw, walang pagtutulad na patas

 

LIFE BEGINS WHEN IT’S ABOUT TO END (2025)

 Your presence speaks the loudest When you left there where echoes Your words were the gentlest whisper That feels like a good old fellows

Life begins when it’s about to end

As sudden surge of memory flows

To be a good friend, a good person

Surpasses all accolades and heroes


What brings true joys and deep sorrows

Changes in life constantly follows

Who you are is exactly who you’ll be

To the highs of your life and lowest sea


TEMPORARY (2025)

When I'm not all shiny and new

When I'm all washed up and blue

Will I be replaced by someone more exciting?

Am I just a temporary human being?


Nobody really knows who I really am

Maybe I am just seasonal to them

Time passes and they forget the idea of me

It's so sad being someone temporary


They say change is the only thing constantly happening

Well, I guess I am not change, I will never be change

Truly as the days, weeks, and months starts unraveling

I'll be someone you'll walk past, temporary and strange

SWABE (2025)

 Swabe, kung imanibela ang sasakyan 

Pogi, kung ako ay nginingitian

Grabe, bakit siya pa ang nagustuhan?

Mali, ganiyan ba ang aking nararamdaman?

I'M NOT THE SPONGEBOB TO YOUR PATRICK (2025)

I am not the Spongebob to you Patrick 

Three days in the rice paddies went in a blink

I am not the Khianna to your Jayvhot G

You drive the vehicle while you drive me crazy


But, the way I saw your eyes with gentle stare

The way you whisper to ask about her

I wish I did not waver, I wish I will not cry

Oh how I wish I was the apple of his eye


In the rice paddies and the roads of province

I was not the princess to your prince

I acted normal, I acted shy, I gave no hints

But deep inside, you were my favorite shade of all the greens


PS:

KAHAYUPAN NA 'TOH! Na-inlab pa sa kuya ng kaibigan ko!!! HAHAHA Pinigil ko naman shemalu


Let me explain myself! Kasi nagpunta kami sa Nacalub para sa production namin ng drama anthology. Do'n kami nagstay sa may ka-group namin slash best friend na napateluk!!! 

'Yon na nga first day nagstay muna kami sa transient. Actually, the whole day nasa transient lang ako. Naglinis. Naghugas. And nag-welcoming committee sa mga tao. 

So 'di ko pa siya nakikilala. 

Second day, ayan na.

Nag-ayos kami ng tent. Napapansin ko na parang may cutie pie diyan sa gilid. HALA KA!

Nagbubuhat ng tent. Ewan ko kung siya ba sumundo sa'min no'n. Pero 'yun na nga nag-aayos ng tent 'yung iba. Tapos kami inutusan kami i-re-arrange 'yung mga kinaingin. TAMA BA 'YUNG KINAINGIN. 'Yung sinunog 'yung basura. Aayusin namin 'yon. Tapos naghahanap ako ng mga dustpans tapos tambo. Ang alam ko lang kasi ay tampo. TAMPURURUT!

Tapos nakita niya ako ng kuya ni bff tapos inabutan ako ng sandata ni Poseidon. Ewan ko kung ano tawag do'n pero mukha siyang trident pero sa mga anak-pawis na nagdarahop sa basura. ANO RAW? Pero ayun na-cute-an na ko sa kaniya.

Actually, nung nakita ko palang pic nila as a family day cute na talaga siya. As in type ko. Pero alam niyo naman ang sisteret niyo may mga parameters. PARAMETERS TALAGA KALA MO KUNG SINONG MAGANDA??? Binara 'yung sarili parang eng-eng.

'Yun na nga need kasi dapat makasama or makilatis ko siya ng at least 8 hours. Working hours kasi 'yan parang eng-eng. 'Yun tapos need mabait siya. May sense of humor. Straight. HAYOP KA!!! HAHAHAHA. Saka marunong makisama saka sobrang bait sa'kin. Ang ekis lang nang slight ay 'di siya natatawa sa'kin. Well 'di ko naman kasi siya kinakausap. SO WHAT DO YOU EXPECT BAKLA???

So 'yun na nga mabait siya as in siya maghahatid sa'min from transient to shooting locations sa palayan, sa may police station, sa may kung saan man. Ganiyan as in.

Tapos anlalim ng boses. AY 'DI YAN KASALI!!!

Tapos halatang 'di papatol sa'kin. HAYOP KA!!!

Pero 'yun na nga may sense of humor din naman siya kasi 'yung bff ko na 'yun na sister niya ay lakas amats talaga so I expect meron na rin talaga siya no'n.

Tapos nung pababa ako ng truck hinawakan niya 'yung paa ko! ANG OA! Pero kasi 'di ko keri bumaba talaga ng truck 'di siya nakaka-virgin express sa taong pihikan at masikip na tulad ko. HAHAHA

Tapos nung nasa trike na na-sense ko na gusto niya 'yung isang kagrupo namin. HAYOP EKALAL MOMENTS!!! Leave na muna ako!!!

Well, it's not my first time in the rodeo. Ano raw!?!? COWBOY KA BA??? Reverse cowgirl ka sis!!! AYYYY 'DI NAKAKA-VIRGIN 'YAN!!!

Pero 'yun na nga tapos nakikipaglandian pa siya sa isa pero mamaya i-ri-reveal ko.

Pero nung pauwi na kami as in nakikipagngitian pa siya sa isa naming kagrupo.

'Yung tingin ko teh, talagang pang Ma' Rosa kumakain ng fishball ending scene. ANG LALA!!!

Pero 'yun na nga fast forward... sinabi ko sa bff ko na crush ko kuya niya. And to that 'di niya pala gusto 'yung isa na nakikipagngitian siya. EKALAL MOMENTS na naman!!!

Ang gusto niya ay 'yung isa na inaasar sa kaniya ni bff sa tricycle marie. Mahilig daw kasi siya sa maputi. Gusto mo laklakin ko lahat ng gluta at magmukhang ginulat na butiki sa putla NAKAKAINIS!!! HAHAHAH DOON KA NGA MUNA SA MALAYO HABANG NAG-IISIP AKO! Ano ba!?

Pero ayan dalawang ekalal na Bulakenyo na ang nagnakaw ng pihikang puso ng eabab na this!!! Kung iisa pa talaga magiging Region 3 na ako!!! Favorite number ko pa naman 'yan. NAKAKAINIS ENDING NA.



PAG KINALABIT KA, TATAKBO O SASAMA KA BA?

Nang may biglaang kumalabit Si Kamatayan ay lumalapit Ang dibdib sumikdo't namilipit Pwede ba manlimos kahit isang saglit ulit Hinahabol...