SIRENA (2023)


Lumalangoy sa sariling luha

Nanaghoy sa sariling tula

Dumudungaw sa dayuhang lupa

Nangangarap ng kakaibang paghanga


Malabong magtagpo ang ating mundo

Ang tahanan ko ay karagatang tago

Lupa ang siyang tinatapakan mo

Hanggang nakaw-tingin na lang ang puso ko


Sabi nila na wala raw luha ang mga sirena

Ngunit sa pagkirot ng dibdib kong sumisinta

Kumintal sa aking mga mata ang hinagpis

Nang masdan ko ang aking pag-ibig na lihim at lihis

BUHAY PA KO, 'DI LANG HALATA (2023)

Ang daming nangyaring sa nakalipas na apat na buwan -  mula Marso hanggang ngayong Hunyo. Nako, handa na ba ang mga mata ninyo para basahin ang mala-nobela kong pagkukwento. Ngayon lang nagkaoras

My Birthday

Syempre, nag-birthday ako ano ba naman kayo? March 3 nag-birthday ako pero since First Friday ng Lent. Bawal ang karne. So ang handa ko ay sopas. My favorite. Masaya naman ako duhhh. Nagsimba kami sa Quiapo tapos nakita ko ang crush ko na sakristan for the first time kasi dati online ko lang siya nakikita. And 19 years old na ako. Can you believe that? I cannot, mentally I am still 3 years old. KIMMY! Pero ayun simple birthday celebration and I am thankful for that.

Start of 2nd Semester March 20

Nag-start na ang 2nd Semester at mayroon na kaming face-to-face. Pang fourth time ko na pumunta sa PUP. 1st time nung nagpasa ng requirements. 2nd nung nag-confirm kung nasa listahan ba talaga ako ng mga may section. 3rd ay nung kumuha ako ng ID namin. Ngayon, fourth time nasa COC kami as in College of Communication. First day of Introduction of Broadcast Media. Nag-ask lang si professor namin ng expectation at syempre si bakla ang sinagot ay: "Excited na po akong makakita ulit ng pogi sa personal." The usual me lang at natawa tuloy sila dahil napaka-unserious ko. Nilapag niya rin ang final requirement namin agad-agad. SHOCKING! Ang finals daw namin ay gagawa ng 1-Day Television Program Concept Paper. Kasama na doon ang TV Station at set of programs. 

Mama Aning's Death and Funeral

It was expected, but it still hurt. My auntie just passed away last year and this year my grandmother. It was really hard to process, but I am happy that she is now in a better place free from suffering. Buti nabisita namin siya last January. I miss my lola and my tita so much. 

Umuwi si Daddy sa Pilipinas

Dahil nga sa pagkamatay ng lola ko, umuwi agad ang tatay ko dito. Napaaga ang bakasyon niya na dapat sa August to September pa to celebrate sana his 50th birthday celebration and my lola's 90th birthday celebration. Kaso 'yun nga, God has different plans. . 

Face-to-Face Classes 

I become accustomed na so far sa commuting ayan. Sa buhay komyuter na ako. Pero since hindi naman everyday ang face-to-face namin kaya nakakapagpahinga naman ako in-between. Ang face-to-face lang namin ay para sa major subject at sa PE namin kaya very limited lang talaga. Minsan once a month, minsan thrice a month. Ganyan. Tas minsan pag required mag-practice as a group aalis syempre ng bahay. Nag-practice din kami sa Sunken Garden para sa routine namin sa PE at naka-uno kami doon. BOOGSH!

College Life

Ayan na ang college life, so far nakakapag-adjust na at baon pa rin natin ang double c and a single p, which stands for creativity, competitiveness, and punctuality. So, it has really helped me a lot to cope with the endless to do lists, the scorching heat in the streets of Manila, and the straining commuter's life. Pero I have learned so much naman, from my classmates and from my professors. 

UP OU MODEL

Ayan, dito nag-enroll lang ako sa Principles of Graphic Design and Scriptwriting for Educational Materials. Masaya siya and interactive kaya marami akong natutunan. Recommend ko din siya sa inyo. 

Commuter's Everyday Struggle

Dito ko naranasan ang talagang siksikan sa LRT at ang rush hour na mahirap humagilap ng sasakyan pauwi grabe. The commuter's struggle is real.

Pinalayas kami sa dating apartment

Ito na ang chika. HUY, diyan kayo magaling e. Pero ito na nga kasi balahura ang isa namin kapitbahay ang isa naman feeling Edward Cullen at gising sa gabi at binubutinting ang kung anu-ano imbes na mahimbing ang tulog ay talagang nightmare siya. Ang isa naman apaka-loud ng voice hindi naman maganda kaimbyerna at pinapatae at ihi ang aso sa tapat namin grabe ang ugali. At ang yellow guy na oblak nag-side sa dalawang Hudas grabe ang ugali at kami ang nag-sashay away. Iyon lang.

Lumipat kami ng bahay

Lumipat na nga kami syempre, pinalayas nga. Parang 'di kami naman nakakaintindi. HUY si galit pala ito. Chariz! Pero ayon lumipat kami sa medyo further pero within the city lang naman. Kaya adjust-adjust si bakla sa commute and everything.

'Yun lang naman buhay pa ko, 'di lang halata. Hanggang sa susunod na kwentuhan. Baboo!


A BA KA DA (NG MGA TUMATANDA NA) (2023)

A Ba Ka Da

Ang dating inaaral ng bata

Binibigkas na ng isang tumatanda na

Kakasimula palang tumapak

Dito sa mundong bawal pumalpak


A Ba Ka Da

Akuin ang lahat ng mga responsibilidad

Biguin ang mga umaasang komunidad

Kaladkarin ang sariling pangarap sa kawalan

Dakpin ang bumabalakid na kasiyahan


A Ba Ka Da

Akala ko ang mundo madali

Bakit bawal ang pagkakamali

Kaya laging nagmamadali

Dahil dito ang matibay lang ang nagwawagi

ORAS (2023)

Matulin ang pagtakbo

Ng mga maliliit na kamay ng relo

Lagi na lang nagmamadali

Ayaw huminga kahait sandali


Ang isang kisapmata ay segundo

Pagdilat muli ay nagiging isang minuto

Hanggang sa maging isang oras

Hanggang sa isang araw na ang lumipas


Hinihingal na sa pagtakbo sa oras na 'di mapigil

Pinipigil ang damdaming nakagigigil

Hanggang sa ako ay tuluyan na mapagod

Nang mabasag ko na ang relo inuuod



KAHULUGAN (2023)

Hinagis at nahulog

Nagising at natulog

Mayroon bang dahilan?

Mayroon bang kahulugan?


Ang araw-araw na kaganapan

Ang gabi-gabing kadiliman

Mayroon bang kadahilanan?

Mayroon bang kinukubling kahulugan?


Kung mayroon mang dahilan

Kung mayroon mang kahulugan

Sana ito ay aking maintindihan

Dahil kung hindi ay para saan pa na ito ay aking naranasan


LINYA (2023)

 Mga damdaming isinasatitik

Mga titik na sa puso ko'y tinik

Mga tinik sa loob na mabigat

Mga mabigat na karanasan siyang ugat

Mga ugat na hindi mabunot-bunot kahit dumaan

Mga dumaang tao sa aking  buhay nang marahan

Marahang tumuloy ngunit umalis nang 'di nagpaalam

Kaya't sugat ay lumalim at ang ilaw ang lumamlam


Ang inakalang kapanglawan na agarang mapaparam

Isang akalang nagbunsod ng marubdob na pagdaramdam

Pagdaramdam na dama sa bawat linya 

Bawat linya na tagos sa kaluluwa

Kaluluwang binabangungot ng alaala

Alaala ng mga sakit na dala-dala

Dala-dala saan man ako dalhin ng tadhana

Maghihilom pa kaya ang nakaraang hindi ko mapalaya



SAND CASTLE (2023)

A sand castle was built
With infatuated love and guilt
The wave erased everything
For it was a one-time swing



PAG KINALABIT KA, TATAKBO O SASAMA KA BA?

Nang may biglaang kumalabit Si Kamatayan ay lumalapit Ang dibdib sumikdo't namilipit Pwede ba manlimos kahit isang saglit ulit Hinahabol...