LISTEN, LOOK, AND LEARN: A WALKTHROUGH OF KNOWLEDGE IN PURPOSIVE COMMUNICATION (2023)

 “Most people do not listen with the intent to understand; they listen with the intent to reply.”

–Stephen Covey

READING AND LISTENING

Articulate writing is acquired through habitual reading; eloquent speaking is acquired through active listening. For listening and reading allows the derivation of the purpose of communication.

COMMUNICATION HAS A PURPOSE

The purpose of communication is to allow discourse between people to develop relationships, relay informations, and amplify the unheard voices. Communication always has a purpose. For that makes us distinct from animals, we have language and it transcends the human experience.

LISTEN, LOOK, AND LEARN.

Stephen Covey said that “Most people do not listen with the intent to understand; they listen with the intent to reply.” In listening, our eyes are opened to look around us (may it be good or bad) and we learn from it. Life is about maximizing our time, energy, and effort to become the better versions of ourselves.

One should know how to listen actively; but one should also know who to listen to. Our world is devoid of silence. Our life is filled with many voices and noises. Always listen to the true, helpful, insightful, necessary, and kind words. However, constructive criticisms are always for the improvement of our well-being. Knowing how to filter salient voices for growth, development, and advancement could save us from dilemmas.

Look around you. Look everywhere. Look inside you. Look intently. Our world is filled with breathtaking views. But, one should take the good with the bad. Angelique Manto said that in every aspect there is good and bad. One should be able to learn and grow from the latter to become a well-rounded person.

Learning does end in the four corners of classrooms or the online meeting. It starts there, but ends where? It ends with sharing what is learned to other people until it creates an endless ripple of learning. For learning liberates us from the chains of foolishness, fatuity, and falsity.

LISTEN… LOOK… AND LEARN. ALWAYS AND FOREVER A LEARNER.

“ALAMAT, PAMAHIIN, AT KWENTONG KABABALAGHAN: REPLEKSYONG PAPEL SA PELIKULANG ‘PRIDYIDER’ NI RICO MARIA ILARDE” (2023)

PRIDYIDER


Ang pelikulang ‘Pridyider ni Rico Maria Ilarde ay pinagbidahan nina Andi 
Eigenmann, JM De Guzman, Janice De Belen, Baron Geisler, at Joel Torre. Ang kwento ay uminog sa pridyider na nangangain ng buhay. Ang pridyider ay sinumpa dahil sa pakikipagkasundo ng nanay (Janice De Belen) sa masamang espiritu at dahil doon itinambak ang mga pinatay niya bunsod ng selos. Ang pelikula ay hango sa Shake Rattle and Roll episode ni Ishmael Bernal na may parehong pamagat. Ipinalabas ito noong ika-19 ng Setyembre 2012 at humakot ng US$117,479.00 sa box office. 


“TABI-TABI PO” NI VICERRA AT JAVIER

Ang pag-aaral na ito ay pumaksa sa kung paano ang “folklore” ay kadugtong ng “community development.” Sinabi na mula pa man ng panahon ng mga Kastila ay naging talamak na ang kwento ng kababalaghan at katatakutan upang magbigay-babala, pangalagaan ang kalikasan, at panatilihin ang ayos ng isang lugar. Tunay na ang ilan sa mga kwentong ito ay kathang-isip lang, ngunit ang ilan ay totoo pero hindi maipaliwanag (supernatural). 


ALAMAT, PAMAHIIN, AT KWENTONG KABABALAGHAN

Ang mga ganitong kwento ng kababalaghan at katatakutan ay higit pa sa anyo ng libangan dahil nakaugat ito sa mga kwentong nagpasalindila na mula pa sa ating mga ninuno. Maaring paniwalaan natin ang mga alamat, pamahiin, at kwentong kababalaghan; Maari rin naming hindi. Ngunit pakatatandaan na mahalaga ang pairalin ang respeto sa tao, sa ‘di nakikitang mga elemento, at sa kalikasan. Sa pamamagitan nito, ang takot lang na madarama natin ay pawang kathang-isip at hinditakot sa reyalidad ng buhay.

“MYANMAR: AUTHORITARIAN MEDIA CRISIS” (2023)

“The free press is needed by the government, the government which dreams of the prestige which it builds upon mined ground.”

-Dr. Jose Rizal


MYANMAR 

Myanmar, formerly known as Burma, has a military form of government due to the coup d’état on September 18, 1988. Thus, the power rests on a singular party under the military officials. Last February 2021, the military seized the authority by imprisoning their prime minister, Aung San Suu Kyi. The vice president Myint We, a former military officer, took over the presidency that allowed him to declare state of emergency and suspend legislative houses. Hence, with the state of emergency the armed forces are in full power and authority in handling the whole country. (Britannica, 2023)

AUTHORITARIAN MEDIA CRISIS 

In 2011, gradual ease of strict state controls was seen in Myanmar’s media. In 2016, the democratically elected government did not prioritize the proliferation of freedom in media. In 2021, after the military coup, the government is in full-control of the main broadcasters and publications, and reimposed strict censorship in media. (BBC News, 2023).

Myint We, the acting president, imposed internet and telecommunications shutdown in the whole country. The media are prohibited to “mentioning false data”, “joining or favoring the National League for Democracy (NLD)” and “interfering with the internal affairs of state or politics.” Failing to comply will result to imprisonment for five years or worst death. The mass arrest of media workers, continuous ban, harassment, and threat to independent media outlets, and death of two journalists who documented anti-coup protests are the crises that the media of Myanmar face because of an authoritative figure. (Amnesty International, 2022)

Since the Myanmar is controlled by the military, the acting president and the Army imposed internet and telecommunications shutdown. (Amnesty International, 2022) Thus, disconnecting the state from media, TV, and radios. Local phone lines and internet are also disabled across the country. (Burmese Reuters journalist Wa Lone. BBC News, 2021)

During the peak of the crisis in 2021, a video circulated online that shows the same man in the different costumes and make up being interviewed by media to show that Myanmar is not experiencing turmoil, war, and inequality. Unfortunately, the video is taken down in social media by their government to erase the point of view that they are directly manipulating their media through fake interviews.

PRESS FREEDOM

Media’s role in the society is to disseminate information that are factual, relevant, and unbiased. When media is silenced, controlled, and threatened, the public is deprived of their right to access news that is free from manipulation. 

Myanmar’s devastating crisis in media, economy, and society is the result of the hungry-power, inhumane leaders and officials. The country continues to face the crisis head-on as the military junta (leader) continues to plant seeds of threat, death, and fear among its constituents. 

The Authoritative philosophy in media is limiting the freedom of speech not only of media, but of the ordinary citizens as well. Dr. Jose Rizal expounded on the integral role of freedom of speech in which he said, “The free press is needed by the government, the government which dreams of the prestige which it builds upon mined ground.” A country should not control its citizens. A country should serve its people. Communication is imperative to govern; without it everything will be disorganized.

Prayers for Myanmar as they battle the crisis in their country.

May the Burmese be freed from the leash of an authoritative leader.


REFERENCES

 Amnesty International. (n.d.). Human rights in Myanmar. https://www.amnesty.org/en/location/asiaand-the-pacific/south-east-asia-and-the-pacific/myanmar/report-myanmar/

 BBC News. (2023, May 11). Myanmar country profile. BBC News. https://www.bbc.com/news/worldasia-pacific-12990563

 Giles, B. C. (2021, February 4). Myanmar coup: How the military disrupted the internet. BBC News. 

https://www.bbc.com/news/world-asia-55889565

 Myanmar | History, Map, Flag, Population, Capital, Language, & Facts. (2023, May 15). 

Encyclopedia Britannica. https://www.britannica.com/place/Myanmar/The-initial-impact-ofcolonialis

SAMOT-SARING WANGIS NG PAG-IBIG: PAGTUKLAS SA TALINHAGA, TALASTASTASAN, AT TALAMBUHAY NG MGA AWITING BAYAN AT TULA (2023)

PAGSUSURI SA SARUNG BANGGI AT PALASONG ULILA


I. AWITING BAYAN

SARUNG BANGGI (Awiting Bayan ng Bikol)

ni Potenciano V. Gregorio


“Sarung banggi, sa higdaan

Nakadangog ako nin huni nin sarong gamgam

Sa loba ko katurogan

Bako kundi simong boses iyo palan

Dagos ako bangon

Si sakuyang mata iminuklat

Kaidtong kadikluman ako nangalagkalag

Si sakong paghiling pasiring sa itaas

Simong lawog nahiling ko maliwanag”


SARUNG BANGGI (Salin sa Wikang Filipino)


“Isang gabi, maliwanag, ako'y naghihintay

Sa aking magandang dilag,

Namamanglaw ang puso ko

At ang diwa ko'y lagi ng nangangarap.

Malasin mo giliw ang saksi ng aking pagmamahal,

Bituing nagniningning, kislap ng tala't liwanag ng buwan,

Ang siyang magsasabi na ang pag-ibig ko'y sadyang tunay

Araw, gabi, ang panaginip ko'y ikaw.

Magbuhat ng ikaw ay aking inibig,

Ako ay natutong gumawa ng awit;

Pati ng puso kong dati'y matahimik,

Ngayo'y dumadalas ang tibok ng aking dibdib.”

II. TULA

PALASONG ULILA

ni Marikit

“Minsan raw naubusan si Kupido ng pana

Kaya isang puso lang ang may tama

Nakakalimutan na dalawa dapat ang magkapareha

Kaya mayroong naiiwang mag-isa

Kahit ay hagilapin saan kahit sa eskinita

Wala kahit ni isa na tumutugma

Sa pihikan kong puso na nangungulila

Baka ako na nga ang natamaan ng palasong ulila?”

III. PANIMULA

TALINHAGA, TALASTASAN, AT TALAMBUHAY

Ang mga akdang susuriin sa papel na ito ay ang awiting bayan at tula. Kapwa may kariktan na siyang nagpapatingkad sa kathang ito. Kadalasan ang mga tema nito ay kinukubli sa talinhaga. Ang talinhaga ay pinagdugtong-dugtong na salita ng nakataling-hiwaga. Nasa mambabasa o manunuri na upang tuklasin ang hiwagang nakatago sa 
isang teksto. 

Ang talastasan naman ay ang kompilasyon ng mga pagsusuri ng mga dalubhasa na gagamitin bilang sanggunian upang masigurado na wasto ang kritik na isasagawa. Mawawari natin ang salitang ‘talas’ sa talastasan na kasingkahulugan ng tulis,talim, at tusok. Mula dito ay maihahalintulad natin ang bias ng isang akda sa kakayahan nitong ipaglaban ang bayan, paniniwala, at paninindigan gaya ng isang espada.Ang talambuhay naman ay pumapatungkol sa kaligiran, kasaysayan, at kalagayan ng may-akda.Ang kaligiran ay ang mga impormasyon tungkol sa sumulat ng akda. Ang kasaysayan naman ay mayroong malaking gampanin sa pagkatha ng panitikan dahil dito maiuugnay ang mga konteksto ng sulatin at dito umiinog ang inspirasyon para kumatha ng sining. Ang kalagayan ng may-akda ay napakahalagang isaalang-alang upang lubusang maunawaan ang teksto.Tunay na nakakapanabik ang pagpapalawak ng ating kaalaman sa pamamagitan ng pagbasa at pagsuri ng mga akdang pampanitikan tulad ng awiting bayan at tula.Patuloy na magbasa dahil ang pagbasa ay pag-asa. Ang paglalakbay sa pag-unawa sa talinhaga, talastasan, at talambuhay ay isang serye ng pagpapaunlad sa sarili na mayroong pakialam sa sarili, kapwa, bayan, at mundo. 

IV. PAGSUSURI SA AWITING BAYAN – SARUNG BANGGI

Ibabahagi ko lamang na ang aking mga lolo, ang ama ng aking ina at ang ama ng aking ama, ay buhat sa Catanduanes, Bicol kaya’t ang awiting bayang ito ang siyang napili kong dalumatin, suriin, at himayin. Isang pagbalik-tanaw, pagkilala, at pagpupugay sa aking pinag-ugatang bayan. 

ISANG GABI
Kung isasalin sa Tagalog ang pamagat, ito ay tatawaging “Isang Gabi.” Sa mababaw na paglilimi ng awitin, ito ay pumapatungkol sa isang umiibig na nagising sa gitna ng gabi at wari’y napagmasdan ang kanyang iniirog. Marahil sa unang pagkarinig sa awiting ito ay ganoon ang mahihinuha ng mga tagapakinig. Ang tono at ritmo ng awitin ay akma sapanghaharana na kadalasan ay ginaganap sa gabi. Kasing lalim ng gabi ang nadaramangpag-ibig ng magkasintahan. Kasing kislap ng mga bituin ang mga salitang ginamit upang ilarawan ang sinisinta. Kasing lamig ng simoy ng hangin ang ritmo ng awitin. Sa kabuoan ay mawawari na ang pamagat na “Isang Gabi” ay bunsod ng kadahilanang ito ay panghaharana sa isang iniirog.

POTENCIANO V. GREGORIO
Isang kilalang musiko at kompositor si G. Potenciano V. Gregorio mula sa bayan ng Albay, Bicol. Kinatha niya ang Sarung Banggi sa edad na 17 taong gulang. Ang husay niya sa pagtugtog ng biyolin, piano, at bandura kasama na ang orihinal niyang komposisyon na Sarung Banggi ang naging susi upang mapasok siya sa Philippine Constabulary Band. Laging tinutugtog ang kanyang piyesa sa mga aktibidades ng bayan kaya’t madali itong sumikat at naging awiting pangharana ng mga taga-Bicol.Ayon kay Justo Gregorio, pamangkin ni Potenciano, naisulat ang Sarung Banggi dahil nabighani sa huni ng ibon at lagaslas ng dahoon si G. Potenciano. Ibang bersiyon naman ang ibinahagi ni Resurrecion Gregorio, apo ni Potenciano. Ayon sa kanya ito ay kinatha nang pumutok ang Bulkang Mayon noong 1897 at inalay sa kanyang nobya na si Dominga Duran na kalauna’y naging asawa niya.

PAG-IBIG SA INANG BAYAN
Ang persona na sinisimbolo ng awitin ay ang mga bayaning Pilipino. Ang mga bayaning may marubdob na pagmamahal sa ating Inang Bayan. Ang paggising nila sa gitna ng gabi ay kahalintulad ng oras ng pagtitipon ng mga maghihimagsik upang pag-isipan at balangkasin ang mga hakbangin upang mapalaya ang ating bayan. Ang matamis nitong tinig ay pagwawangis sa kasarinlang minimithi ng ating lahi buhat ng tayo ay mapasailalim sa mga mananakop. Isa itong paalala na huwag nating limutin ang pag-ibig sa Inang Bayan at sa mga bayaning dinilig ang kanilang dugo't buhay upang matamasa natin ang ating kalayaan. Sabi nga ni Elias sa Noli Me Tangere, "Mamamatay akong hindi man lang makikita ang ningning ng bukang-liwayway sa aking Bayan. Kayong mga makakakita, salubungin ninyo siya at huwag ninyong kalimutan ang mga taong nalugmok sa dilim ng gabi." Kapansin-pansin sa linyang kinatha ni Dr. Jose Rizal ang “dilim ng gabi” at “bukang-liwayway” na mga talinhaga. Ang “dilim ng gabi” ay pumapatungkol sa pagwawakas ng buhay na alay sa mga bayaning nagbuwis nito para sa ating bayan. Ang “bukang-liwayway ay ang kasarinlang pinagbiktorya ng mga bayani. Ang pag-ibig sa bayan ay manipestasyon ng diwang makabayan, pakikipagkapwa, at pagkilos para sa ikabubuti ng nakararami. Isa itong aral na dapat iukit sa puso at isip ng bawat Pilipino. Upang mapagtibay ang pundasyon ng ating pagka-Pilipino at matamasa natin ang kaunlaran nang nagkakaisa at nagmamahalan.

V. PAGSUSURI SA TULA – PALASONG ULILA 

PALASO, ULILA, AT KUPIDO 
Ang palaso ay kadalasang ginagamit sa pangangaso o panghuli ng mga hayop sa kagubatan. Si Kupido naman na siyang tauhan sa tula ay hango sa Mitolohiyang Romano na diyos ng pag-ibig. Kaparehas naman sa Pilipinas ng pagkakakilala kay Kupido bilang "matchmaker" o tagapana ng puso ng mga tao na kalaunan ay magkakaroon ng romantikong ugnayan. Masining ang pagkakahabi at pagkakaugnay ng palaso, ulila, at kupido para ilarawan ang isang kuwento ng pag-ibig sa sarili. Ang tugmaan ay iisa at konektado sa dalawang saknong. Ang diretsahang mga linya ay nagpapakita ng taos-puso at tagos-butong pagsasalaysay ng proseso ng pighati at pagbangong-muli sa pag-ibig. 

MARIKIT 
Ang sumulat ng tulang susuriin ay isang blogger na nasa ilalim ng pseudonym na “Marikit.” Siya ay nag-po-post ng kanyang mga tula sa blog na “Kasibulan ni Marikit.” Ang salitang kasibulan ay hango sa salitang-ugat na “sibol” na nangangahulugan ng pagtubò ng tanim na binhi. Datapwat, kung lalapian ng ka- at –an ay mag-iiba ang depinisyon nito na magiging: panahon ng kabataan o kasariwaan ng anumang bagay (tulad ng halaman at tao, o kalagayan ng isang lugar). Mababakas sa blog page ang isang linya na: “Sa mga mahahalimuyak at makukulay na bulaklak ng aking kabataang naisatitik para sa alaalang aking sasariwain at babalik-balikan.” Mula dito ay mahihinuha natin na ang mga karanasang nakatitik sa mga tula dito ay mula sa kasibulan o kabataan ng may-akda. Ang kabataan na punong-puno ng mga alaala ng pag-ibig, tagumpay, pagkasawi, at pagkabigo na siyang nagdala ng maraming aral na baon-baon sa pagtanda. 

PAG-IBIG SA SARILI 
Kinabit sa palaso ang salitang 'ulila' na nangangahuluhang mag-isa at walang magulang. Ngunit kung pagsasamahin ang palaso at ulila sa konteksto ni Kupido ay mahihinuha nating pumapatungkol ito sa isang taong salat sa pag-ibig ng magkabiyak. Maaring isangkot ang terminolohiyang "Single by Destiny" na kabuoang paksa nitong tula. Ang pagiging mag-isa at walang kasintahan ay hindi nangangahulugan ng pagkakasadlak sa kalungkutan. Hindi umiinog ang mundo sa romantikong pananaw. Hindi lahat ng tao ay itinadhanang umibig. Sadyang mapaglaro ang tadhana. Maaring sa ibang aspeto ng buhay bumuhos ang kasaganaan ng kapalaran. Ang pag-ibig sa sarili ay isang proseso ng pag-iimpok ng kayamanan sa iyong puso. Kasalungat sa paniniwala ng ilan, hindi naman pangangailangan ang kasintahan upang mabuhay. Ang pag-aalaga sa sarili, pagpapanday ng mga kasanayan, at pagtutuon ng pansin sa mga makabuluhang bagay ay mga kilos na para sa pagpapaunlad na sarili na makakamit lamang kung mamahalin mo ang nag-iisang ikaw.

VI. PANGWAKAS 

SAMOT-SARING WANGIS NG PAG-IBIG 
Samot-sari ang wangis ng pag-ibig kaya’t hindi ito maikakahon sa isang salita o sa isang mukha. Maari itong pumaksa sa iba’t ibang mukha gaya ng pag-ibig sa kasintahan, pag-ibig sa magulang o pamilya, pag-ibig sa bayan, pag-ibig sa kalikasan, pag-ibig na masaklap, pag-ibig sa sarili, at pag-ibig na pagkakamali. Ang pag-ibig ay isang popular na paksa at tema ng mga awitin at tula dahil ang mga alaala, damdamin, at mithiin ay nailalabas bilang sining. Ang ritmo, tono, tugmaan, at sukat ay mga bagay na direktang maiuugnay sa pag-ibig. Ang ritmo ng damdaming nadarama sa tuwing umiibig. Ang kaaya-ayang tono ng relasyon sa isang tao. Ang tugmaan ng dalawang taong nag-iibigan. Ang sukat ng oras at panahon na ilalaan para sa mga pinahahalagahan sa buhay. Kaya’t maraming manunulat, kompositor, at musiko ang kumakatha ng mga sining na pumapatungkol sa pag-ibig. Sabi nga ng isang popular na kanta ni Donna Cruz, "Kapag tumibok ang puso wala ka ng magagawa kundi sundin ito." Kaparehas naman nito ang isang tula ni Fransisco Balagtas na, "Ang pag-ibig kung pumasok sa isip ng sinuman, Hahamakin ang lahat mukha ka lang." Tunay na makapangyarihan ang pag-ibig. Isa itong malakas na pwersang bumabalot sa isang nilalang upang mag-isip at kumilos nang kakaiba kaysa sa nakagawian. Pag-ibig ang nagdala sa atin sa mundong ito. Pag-ibig din ang babaunin natin sa pag-alis dito

BUWAN NG MAYO, BUWAN NG BIRHENG MARIA (2023)

Pumapanhik ang mga paa patungo sa iyong dambana
Nang humiling ng pamamagitan sa iyo Mahal na Ina

Ang buwan ng Mayo ang buwan ng Birheng Maria
Ang buwan ng siksik, liglig, at umaapaw na biyaya

Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay
Maging sanggalang sa paglalayag namin sa buhay

PAG KINALABIT KA, TATAKBO O SASAMA KA BA?

Nang may biglaang kumalabit Si Kamatayan ay lumalapit Ang dibdib sumikdo't namilipit Pwede ba manlimos kahit isang saglit ulit Hinahabol...