PRIDYIDER
Ang pelikulang ‘Pridyider ni Rico Maria Ilarde ay pinagbidahan nina Andi Eigenmann, JM De Guzman, Janice De Belen, Baron Geisler, at Joel Torre. Ang kwento ay uminog sa pridyider na nangangain ng buhay. Ang pridyider ay sinumpa dahil sa pakikipagkasundo ng nanay (Janice De Belen) sa masamang espiritu at dahil doon itinambak ang mga pinatay niya bunsod ng selos. Ang pelikula ay hango sa Shake Rattle and Roll episode ni Ishmael Bernal na may parehong pamagat. Ipinalabas ito noong ika-19 ng Setyembre 2012 at humakot ng US$117,479.00 sa box office.
“TABI-TABI PO” NI VICERRA AT JAVIER
Ang pag-aaral na ito ay pumaksa sa kung paano ang “folklore” ay kadugtong ng “community development.” Sinabi na mula pa man ng panahon ng mga Kastila ay naging talamak na ang kwento ng kababalaghan at katatakutan upang magbigay-babala, pangalagaan ang kalikasan, at panatilihin ang ayos ng isang lugar. Tunay na ang ilan sa mga kwentong ito ay kathang-isip lang, ngunit ang ilan ay totoo pero hindi maipaliwanag (supernatural).
ALAMAT, PAMAHIIN, AT KWENTONG KABABALAGHAN
Ang mga ganitong kwento ng kababalaghan at katatakutan ay higit pa sa anyo ng libangan dahil nakaugat ito sa mga kwentong nagpasalindila na mula pa sa ating mga ninuno. Maaring paniwalaan natin ang mga alamat, pamahiin, at kwentong kababalaghan; Maari rin naming hindi. Ngunit pakatatandaan na mahalaga ang pairalin ang respeto sa tao, sa ‘di nakikitang mga elemento, at sa kalikasan. Sa pamamagitan nito, ang takot lang na madarama natin ay pawang kathang-isip at hinditakot sa reyalidad ng buhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento