BAWAL O PWEDE? (2025)

 Pwede mo naman akong kausapin

'Di naman kita dededmahin

Ikaw pwede ba kitang kausapin

May gusto lang sana akong linawin


Siguro ay ayos ka na sa ganito?

'Yung nakakalito, 'yung malabo?

Hayaan na lang ba natin ang mundo

Kung tayo talaga, muling magtatagpo


Kaso kasi naiwan natin sa ere

'Di sigurado kung bawal o pwede

Nasa gitna pa rin kung mananatili

Kahit walang katiyakang mapipili

NASAAN KA NA BA? (2025)

Naiiwan akong mag-isa

Gano'n ka rin naman pala

Bakit ba natin pinili?

Ang sa sarili'y manatili 


Nasaan ka na ba?

Andito lang naman ako

Heto naghihintay sa wala

Nilulunod ang sarili sa trabaho


Ayaw mo ba talaga tayo?

O baka ayaw mo lang ako

Meron ka na yatang ibang gusto

Ayos lang, sanay naman ako matalo


Nasaan ka na ba?

Andito pa rin naman ako

Heto naghihintay na naman sa wala

Umaasa na naman ako sa'yo


KANDILING-ULAP (2025)

Sumikat ang araw

Naaninag ang sikat

Walang ulap na matatanaw

Magdamag na dilat


Hanggang sa kumilimlim

Namuo ang mga ulap 

Sumilong muna sa limlim

Hinintay tumila ang luha ng alapaap


Hanggang sa lumiwanag ang langit

Ngunit hindi na muling napagmasdan

Isang kandiling-ulap, isang saglit

May bahaghari kayang maaabutan


MY NAME, YOUR NAME (2025)

I hope when you see my name

You'll remember how we play the game

You'll change, but I'll always be the same


I hope when I see your name

I will forget that I was never your aim

But my heart is always for you to claim

WHY DO YOU GIVE ME VIBRANT COLORS AND EXPECT ME TO BLEND? (2025)

Always the odd

Never the even

Thrown in the mud

Twenty- four seven



Why do I always have be on the hate's receiving end

Why do you give me vibrant colors and expect me to blend

I will not adjust anymore, I will not backward bend

I will stay true to my core, I will no longer pretend 


Beat me down

I will be rising from the ground

Banish me from town

I will leave without a sound


Why do I always have to be on indifference's receiving end

Why do you give me striking colors and expect me to blend

I will not adjust no more, I will not backward bend

I will stay true to who I am, I will never ever pretend

KUNG AKO MAN AY TAHIMIK, DINADAAN LAHAT SA TITIK (2025)

 Kung ako man ay tahimik

Dinadaan lahat sa titik

Doon puso'y nagtitirik

Ng kandilang nanabik


Kung ang bibig ay 'di mangusap

Magdurugo na lang ang kaibuturan

Ang pusong laging nangangarap

Na marating ko na ang kalangitan


Bagaman ako'y nanahimik

Asahan mong sumisigaw ang titik

Ang siyang piping humahalik

Sa damdamin kong matalik


INA NG WALANG MAG-AMPON (2025)

Ina ng Walang Mag-ampon

Ako ay iyo pong ampunin

Para gabayan sa tamang direksyon

Sa pag-ibig na kakalingain


Balutin mo po ako ng lampin

Ng iyong liwanag at aruga

Ako po ay inyong dalhin

Sa langit na pugad ng galak at grasya


Sa mundong mabigat sa dibdib

Suliranin ko'y inyo pong pinagaan

Kahit ako man ay magtago sa liblib

Inang Maria, ako iyong matatagpuan


HE CAN BUT HE DIDN'T (2025)

He can but he didn't

His love is not hidden

It is non-existent

So it's time to start erasing

This lonely feeling


He is his own person

And it will definetly worsen

If I don't stop loving him

I'll be the only victim

In this unrequited hymn


He can but he didn't

Why am I still chasin' the footprint

He left behind

And all those memories remind

But I will no longer rewind

MAGING ANTAGONISTA KAHIT IKAW NAMAN ANG NAGSIMULA (2025)

Kung ayaw niyo sa akin, edi 'wag

Bahala na talaga, hindi na ako papalag

Akala mo naman may kung anong nalabag

E 'yung ugali mo naman 'yung balagbag


Isarado ang pinto nang mabuti

Siguraduhing kandado'y mahigpit, matindi

Ayos lang maiwan mag-isa ngayong gabi

Bangungot ko'y nagbabalat-kayong mabuti


Kung mahimbing ka sa aking pagkabalisa

Susuko na lang, baka ako'y sumpain mo pa

Iyon na siguro ang sa akin ay itinadhana

Maging antagonista kahit ikaw naman ang nagsimula

NAG-AABANG SA KAWALAN (2025)

Sa paghihintay ako'y nagkauban

Ang tanong sa'kin, hanggang kailan?

O dapat bang katanungan...

Ay nag-aabang ba ako sa kawalan?


Nagdarasal sa sangkalawakan

Para lang mahanap ang kasagutan

Mag-isa na lang ba ako sa walang hanggan?

O mag-aabang pa rin ako sa kawalan?


Ikaw ang alin sa pag-aalinlangan

Ako ang kasi sa walang kasiguraduhan

Sa mundong ito na walang katiyakan

Heto ako at nag-aabang sa kawalan

ANG MISYON KO LANG BA AY MAGING KONSUMISYON? (2025)

Tirisin mo ako na parang insekto

Tiisin mo ako na parang gutom

Tadtarin mo na rin ako ng martilyo

Ta's budburan ng asin para 'di maghilom


Putulin mo ang aking dila ng kutsilyo

Tahiin ang bibig gamit ang pang-gantsilyo

Pahiran mo na rin ako ng gasolina

Sindihan mo nang tuluyang masunog na


Sugatan mo pa ang aking loob

Sungitan mo lagi para sa bangka'y tumaob

Sabihan mo na rin ng mga salitang kulob

Ta's pag gumanti ako pa 'yung walang utang na loob


Ang misyon ko lang ba ay maging konsumisyon?

Pagkat bawat galaw ay laging maling desisyon

Tutal naman ang iyong mga samo, litanya, at petisyon

Ang mawala ako sa sarili at lamunin nang buo ng ilusyon

POLITIKO (2025)

Sabi mo gusto mo maging politiko
Kaya pala sa'kin ika'y nangandidato
Dinaan ako sa mabulaklak mong salita
Sinamahan pa ng ngiti mong pang-plaza

Wala ka namang ipinangako 
Sinabi mo lang na ika'y mabuting tao
Pero bakit sa'yo pa rin ang aking boto
Ikaw ang trapo at disnatiya ng aking puso

Sa eleksyon hangad natin ang totoo
'Di korapsyon, bagkus platapormang buo
Pero sa'yo pa rin ang boto sa presinto
Ako ang naghabol pero ikaw ang tumakbo


NAMIMISS (2025)

Namimisss na kita, Juan

Pero natitiis mo nga ako, ewan?

Kaya titiisin ko rin 'di magpaalam

Hanggang kailan? 'Yun ang 'di ko alam


'Di mo naman kasalanan

Na ikaw ang aking natipuhan

Kaya sana 'di ka na maguluhan

Ayos lang kung 'di mo ako magustuhan


Bakit ko ba kasi inamin

Ang nililihim kong pagtingin

Bakit 'di ba natin linawin

Kung ano ang tunay na meron o wala sa'tin

HATINGGABI (2025)

 At sa pagsapit ng hatinggabi

'Di mo man lang ba ako naiisip

Hanggang sa liwanag ay mapundi

'Di mo man lang ba ako napapanaginip


Mayroon ba akong hinihintay?

Pagkat ako ay nilalamon ng pagkainip

Wala na ba talagang pag-asang ibibigay

Na sa pagkabagot ko sa buhay ay sasagip


Sana pag liliwanag ang gasuklay na buwan

Sana ako ang nasa isipan, napapaniginipan

Doon ay 'di na ako gigising pa kailanman

Dahil do'n lang kita makikita't mahahagkan

VERTIGO (2025)

Umiikot-ikotang paligid

Mga luha sa mata'y nangingilid

Mga paningin ko ay tila lumalabo

Ako na yata ay navevertigo sa'yo


Akala ko may ibig sabihin

Ang mga pinag-usapang damdamin

Kaya paisa-isa, dahan-dahan kong inamin

Kaya ngayon nahihilo nang ako'y lisanin


Nasusuka, ngunit ang sinuka ay ang salita

Na sana ay tayo na lang dalawa

Bakit ko ba ginawa? Ika'y lumayo

Ako naman dito ay nahihilo, natutuliro 


BIRHEN NG ANTIPOLO (2025)

Ang bawat sugat
Iyong binibigyang-lunas
Hinihilom bawat peklat
Para sa bagong bukas

Ang bawat karamdaman
Handog sa amin ang kagalingan
Bigat sa kalooban
Tinutulunga kami sa pagpasan

Ang aming inang umaakay
Sa aming paglalakbay
Dito sa bayang kahapis-hapis
Kami iyong hindi matitiis


IKAW (2025)

Sa sobrang init

Nalulusaw, natutunaw, nauuhaw

Tayo'y hinog sa pilit

Ako, ako, ikaw, ikaw


Tinagong damdamin

Niligaw, niligaw, niligaw

'Di na dapat inamin

Ang gusto ko ay ikaw, ikaw, ikaw


Kung maibabalik ang dati

Malinaw kong nililinaw

Na wala akong pasintabi

Pinili na ay ikaw, ikaw ikaw

APOKALIPSIS (2025)

Kumukulog, kumidlat

Nagagalit ang kalagitan

Bakit ba kasi ayaw mo sa'kin

Pwede ko pa bang pilitin


Sumasayaw ang mga puno

Tinatangay pati aking puso

Bakit ba nahulog sa'yo

Ginayuma mo yata ako


Bumabaha ng aking luha

Inaanod na ang aking diwa

Ginagunaw na rin ang aking mundo

Bakit 'di ka ba mawala sa isip ko?


Ikaw ang Henesis

Ikaw rin ang Apokalipsis

Ikaw ang sisira ng aking daigdig

Dahil lang sa pag-ibig

MABUTING TAO (2025)

Nabasa mo na ang mga sinulat 

'Di ka man lang ba nagulat

Nagustuhan mo ba talaga ang mga tula

O ngumiti ka lang dahil mabuti kang tao


'Di ko kailangan ang awa, ang pasensiya

Gusto ko unawain, may gusto ka ba sa 'kin?

O siya at siya pa rin ba talaga?

Wala na ba akong magagawa?


Mas gugustuhin ko pa makita kang gago

Nang mapapalitan ng galit sa 'king puso

Pero bakit pinili mo maging mabuting tao

Ako tuloy ang nahihirapang lumayo



NILILITO MO LANG BA AKO? (2025)

 Iniikot-ikot mo

Kaya nahihilo

Bakit ba ako sumakay sa'yong tsubibo?


Sinabi ko naman sa'yo

Pinilit-pilit ko

Kahit hindi ako ang iyong gusto


Tumataas, bumaba

Naduduwal akong bigla

Dapat 'di na ako sumama sa iyong gala


Pinipikit aking mata

Dahil ayoko makita

Na kahawak kang kamay na iba


Akala ko masaya magpaikot-ikot

Akala ko kaya ko ang iyong pasikot-sikot

Pero ano ang iyong dinulot?


Sumasakit ang ulo, 'di naman ako sexbomb

Kumikirot ang puso, kahit 'di na-lovebomb

Ewan ko sa'yo, nililito mo lang ba ako???



PAG KINALABIT KA, TATAKBO O SASAMA KA BA?

Nang may biglaang kumalabit Si Kamatayan ay lumalapit Ang dibdib sumikdo't namilipit Pwede ba manlimos kahit isang saglit ulit Hinahabol...