MAGING ANTAGONISTA KAHIT IKAW NAMAN ANG NAGSIMULA (2025)

Kung ayaw niyo sa akin, edi 'wag

Bahala na talaga, hindi na ako papalag

Akala mo naman may kung anong nalabag

E 'yung ugali mo naman 'yung balagbag


Isarado ang pinto nang mabuti

Siguraduhing kandado'y mahigpit, matindi

Ayos lang maiwan mag-isa ngayong gabi

Bangungot ko'y nagbabalat-kayong mabuti


Kung mahimbing ka sa aking pagkabalisa

Susuko na lang, baka ako'y sumpain mo pa

Iyon na siguro ang sa akin ay itinadhana

Maging antagonista kahit ikaw naman ang nagsimula

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

TALINHAGA (2025)

  Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...