ANG MISYON KO LANG BA AY MAGING KONSUMISYON? (2025)

Tirisin mo ako na parang insekto

Tiisin mo ako na parang gutom

Tadtarin mo na rin ako ng martilyo

Ta's budburan ng asin para 'di maghilom


Putulin mo ang aking dila ng kutsilyo

Tahiin ang bibig gamit ang pang-gantsilyo

Pahiran mo na rin ako ng gasolina

Sindihan mo nang tuluyang masunog na


Sugatan mo pa ang aking loob

Sungitan mo lagi para sa bangka'y tumaob

Sabihan mo na rin ng mga salitang kulob

Ta's pag gumanti ako pa 'yung walang utang na loob


Ang misyon ko lang ba ay maging konsumisyon?

Pagkat bawat galaw ay laging maling desisyon

Tutal naman ang iyong mga samo, litanya, at petisyon

Ang mawala ako sa sarili at lamunin nang buo ng ilusyon

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

TALINHAGA (2025)

  Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...