Walang hinto ang pagbuhos ng ulan
Binabayo pa ng pag-ihip ng hangin
Dala ng habagat na nararamdaman
Ang aking bawat siphayo at dalangin
Ang daluyong na marahas na humahampas
Habang ang baha ay patuloy na tumataas
Binubuno ang aking natitira pang lakas
Hindi man lang ako nakaligtas at nakalikas
Abot-dibdib na ang baha nang sumuong
Wala man lang sa aking tumulong
Dala-dala ang natitirang pag-asang lumaban
Bago ako malunod at agusin nang tuluyan