“KAPATIRAN, KASARINLAN, AT KARAPATANG PANTAO: PANAWAGAN NG ‘OY UTOL, BUTO’T BALAT KA NA’Y NATUTULOG KA PA’ NI HEBER BARTOLOME” (2023)

“Isang pagtindig sa diwang makabayan na hindi na tayo magpapaalipin pang muli, maging sa dayuhan man o sa ating kababayan. Mangingibabaw ang kapatiran, kasarinlan, at karapatang pantao sa lahat ng mga Pilipino.”


PANIMULA

Ang Oy Utol, Buto’t Balat Ka Na’y Natutulog Ka Pa, ang awiting kinatha ni Heber Bartolome, ay komentaryo hinggil sa panlipunang lagay sa panahon ng diktadurya ng dating Pangulo na si Marcos. Isang diretsahang pagbasag sa sa pantasyang nilikha ng pasistang pamahalaan upang linlangin ang mga mamamayang Pilipino na maayos ang lagay ng lahat. Kabalintunaan ito ng pinakitang imahen ng mga Marcos na “Ginintuang Panahon” at “Bagong Lipunan” dahil maraming kababayan natin ang nagdarahop sa kahirapan, kagutuman, at kawalan ng karapatan. 


PAGDALUMAT SA PAMAGAT

Ang unang dalawang salita na nabanggit sa pamagat ay ang “Oy Utol.” Ang utol ay pinaikling tawag sa kaputol na karaniwang ginagamit sa mga magkakapatid. Ibig sabihin ang turingan ng ating mga kababayan ay hawig ng sa mga mag-utol. Ganoon tampok ang diwa ng bayanihan sa ating bansa. Maging sa hirap man o saya kapiling at kasangga mo sila. Ginamit na imahen ng komposer ang “Buto’t Balat” para bigyang-pansin ang kagutumang nararanasan ng mga Pilipino dahil sa pangangamkam ng yaman ng mga nakaupo sa pwesto na ginagasta sa mga luho at pagpapakitang-gilas sa ibang mga bansa. Samantala, ang “Natutulog Ka Pa” ay isang paggising sa diwang makabayan na bumangon at huwag magpaapi sa mga naghaharing-uri dahil kahit ang isang oso ay matatakot at tatakbo kung magsasama-sama ang mga bubuyog upang labanan ito. 


KRITIK SA LIRIKO

“Masdan niyo ang ating paligid

Akala mo'y walang ligalig

May saya at mayro'ng awit

Ngunit may namimilipit

At siya'y humihibik”

Ang unang bahagi ng awitin ay ang pagbangga sa panlilinlang ng pamahalaan sa tunay na sitwasyon ng bayan. Hindi matatakpan ng musika, pagtitipon, at pagsasaya ang mapait na katotohanang nananaghoy ang mga kababayan nating nasa laylayan na kumakalam ang mga sikmura.

“Masdan niyo ang ating buhay

Masdan niyo ang kapalaran

Bakit may nahihirapan?

Bakit may sumisigaw?

Kay hirap nang tumawa kung bungkag ang 'yong tiyan

Kay hirap nang mangusap kung bibig mo'y may tapal

Kay hirap nang mabuhay kung kalagaya'y ganyan

Kay hirap nang lumaban kung takot ka sa kalaban”

Sa ikalawang bahagi naman binigyang-diin ang mitsa ng pagrerebolusyon laban sa mapang-abusong pamahalaan. Ang salitang “hirap” ay nabanggit nang apat na beses at pumapatungkol ito sa mga inhustisya na hindi dapat nating palampasin bagkus ating tutulan para sating buhay, kasarinlan, at kapayapaan.

“Walang tutulong

Walang tutulong sa atin

Walang pag-asa kung di ka batuhin

At kung tayo'y mananahimik at di kikilos

Ang dapat sa atin ay tawaging mga gago

‘Di niyo ba nalalaman

Kung bakit tayo'y nagkaganyan

Bakit may nahihirapan

Bakit may sumisigaw

Bakit may namimilipit

At sila'y humihibik

Maging ako'y nahihirapan

Kaya ngayo'y sumisigaw

Sumisigaw”

Sa ikatlong bahagi ito na ang pagsisimula ng pagkilos. Pagkilos na tutuldok sa pasistang gobyerno na dumurahagi sa mga kababayan, hinuhubad ang karapatan, at yumuyurak sa ating kasarinlan. Isang pagtindig sa diwang makabayan na hindi na tayo magpapaalipin pang muli, maging sa dayuhan man o sa ating kababayan. Mangingibabaw ang kapatiran, kasarinlan, at karapatang pantao sa lahat ng mga Pilipino, anuman ang sosyo-ekonomikong lagay nito. Nang sa gayon, ang ating lipunan ang yumabong nang yumabong upang ang mga anak ng bayan ay hindi na muling dumaan sa ganitong pagdarahop.


PAGWAWAKAS

Isa itong panawagan sa atin na lingunin ang ating nakaraan dahil ito ang humuhulma sa ating kasalukuyan at ang magtataguyod ng ating ating kinabukasan. Bagaman, umupong muli sa pwesto ang mga pinatalsik ng mapayapang rebolusyon sa EDSA. Muli, tayong makikibaka, magmamartsa, at mananambitan ng panawagang: “KAPATIRAN, KASARINLAN, AT KARAPATANG PANTAO. WALANG MAIIWANG PILIPINO SA LAYLAYAN NG LIPUNAN.” Nang sa gayon, ang lipunan natin ay maging isang ganap na katuparan ng ating pangako, pag-asa, at pag-ibig sa ating bayang tinubuan

HUMOR OR HARM: INSIGHTS ABOUT MEME CULTURE IN THE PHILIPPINES (2023)

 

HUMOR OR HARM: INSIGHTS ABOUT MEME CULTURE IN THE PHILIPPINES

“I don’t feel any pressure right now,” an iconic phrase of the Bb. Pilipinas - World 2008, Janina San Miguel, has resurfaced the web these recent years and has become an iconic meme.

First, what is a “meme”? According to Oxford Dictionary, “meme” is defined as an image, video, piece of text, etc., typically humorous in nature, that is copied and spread rapidly by internet users, often with slight variations.

The YouTube Video of Janina, uploaded by PapaJanno107, accumulated a total of 2.1 million views as of this writing. While, on a similar video posted by Pageant Trend in Facebook has 1.8 million views and 196 thousand “haha” reactions, as of this writing. That means, it has been watched by many people in the Philippines and maybe even abroad.

That showed how a video that aired 15 years ago can still be relevant nowadays because of the prevalent “meme culture” in the Philippines. Due to the popularity of the video, Janina recently joined a pageant again and has been received warmly by pageant fans. It highlighted the positive side of “meme culture” because it helped her regain her confidence to be on stage again. However, it is not the case for most people who becomes trending on social media. The negative side of “meme” is it can be used in “cancel culture.” Cancel culture is an online form of bullying and harassment to a person. Despite its advantages of cancelling the insensitive words, actions, and behaviors of certain individual, the method of constant hate through comments are immature, negative, and unhealthy way to correct someone.

Long story short, technology has brought a new community – digital world – where everyone can post contents and comment on other people’s posts. The freedom to communicate with each other becomes easier and more convenient. Nevertheless, it is imperative for us, netizens, to think before we click and to always spread kindness, sensitivity, and positivity in the real world and in social media.

***

REFERENCES

PapaJanno107. (2008, March 13). question & answer (janina san miguel) [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=NZsHsjfviXM

WATCH Full  Video I Binibining Pilipinas World 2008 JANINA SAN MIGUEL. . . (n.d.). https://www.facebook.com/watch/?v=2687152938002938

“MONUMENTO NG SALITA: ALAALA, DAMDAMIN, AT MITHIIN NG ISANG BANSA” (2023)

 “Naniniwala ako na ang mga mamamayang sumusulat, bumabasa, at sumusuri sa 

panitikan ay ang pag-asa ng bayan.”


BAWAT SALAYSAY AY MAY SAYSAY

Kwentuhan, huntahan, chismisan… anuman ang tawag mo ay hindi maitatatwa na bahagi na sila ng kultura nating mga Pilipino. Ganoon kahalaga ang bawat salaysay, kwento, pati na ang chismis sa paghubog ng ating pagkakakilanlan bilang isang lahi. Dito nabigyang-pansin ang pagpapakahulugan sa panitikan na ito ay akdang maaring pasalita, pasulat o pasalintroniko na sumasalamin sa danas, lagay, tagumpay, at pagkabigo ng isang tao o lipunan, anuman ang sosyo-ekonomikong estado, relihiyon, at kasarian nito.

Tuwing pumapatak ang buwan ng Abril ay ipinagdiriwang ang Buwan ng Pambansang Panitikan alinsunod sa Proklamasyon Blg. 968, s. 2015. Bunsod nito naglunsad ang Center for Literary and Language Studies - PUP ng serye ng mga lektura para sa pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan na siyang dinaluhan namin ng aking mga kaklase. Dito sa lekturang ito ay binigyang-diin at ipinanukala ng tagapagsalita na si Dr. U Z. Eliserio, isang manunulat at propesor, ang pagtatatag ng pagkakakilanlan ng Pilipinasbilang isang “Bayan ng Maikling Kwento” na kumakatha ng mga salaysay na masining, rebolusyonaryo, at mapagpalaya. Ang pinakapuso ng lektura ay paalala na bawat salaysay na kinakatha ay may saysay sa buhay ng bawat Pilipinong makababasa nito.


MONUMENTO NG MGA SALITA

Ang maikling kwento, ayon sa tagapagsalita, ay isang monumento na binubuo ng mga salita na maaring pumaksa sa sariling karanasan ng manunulat. Bakit nga kaya ginamit ang salitang ‘monumento’ sa pagpapakahulugan ng maikling kwento? Sa aking palagay at pagsusuri, ang ‘monumento’ ay binuo para alalahanin ang isang tao o pangyayari (Cambridge Dictionary). Kung gayon, ang maikling kwento ay isang pagsesemento ng alaala sa paraan ng pagsulat ng alaala, damdamin, at mithiin ng tao o ng pangyayari. 

Dagdag pa ng tagapagsalita na hindi natatapos sa pagsulat at pagbasa ang maikling kwento dahil ang mithiin nito ay maging daluyan ng pagbabago para sa isang lipunan. Ayon kay Piglia, naniniwala siya na: “Ang piksyon ay nangungusap sa paraan ng mga simbolismo at talinhaga na pumapaksa sa realidad ng lipunan.” (“Fiction always codes and constructs hieroglyphs out of social reality.”) Nasa mambabasa na para unawain at tuklasin ang kahulugan ng mga simbolismo at talinhagang itinago ng manunulat sa akda. 


MAIKLING KWENTO VS TULA VS NOBELA VS SOCIAL MEDIA

Sa isang bahagi ng lektura ay inihambing ng tagapagsalita ang Maikling Kwento sa Tula, Nobela, at maging sa Social Media. Una, ang tula raw ay masyadong madaling isulat kaya’t kadalasan ay hindi maayos ang pagkakahabi ng mga salita upang matawag na makata. Pangalawa, ang nobela naman ay mahaba kung isusulat at babasahin kaya’t hindi lahat ng mga Pilipino ay makasusulat sa ganitong midyum. Pangatlo, ang social media ay mabilis ang pag-usad at nalilimitahan ang titik na maaring magamit para makapagkwento. 

Samantala ang maikling kwento ay hindi mahirap isulat dahil ito ay prosa / tuluyan. Hindi ito mahaba isulat at basahin. Hindi rin nalilimitahan ang titik na maaring gamitin para makapagkwento. Sa madaling sabi, ang maikling kwento ay ang tamang timpla ng panitikan na maaring gamitin ng mga Pilipino upang maging imbakan ng alaala, ng damdamin, at ng mithiin.


ALAALA NG ISANG BAYAN, IMBAKAN NG KARANASAN 

Huwag makalimot. Huwag magbulag-bulagan. Huwag magsinungaling. Iyan ang ilan ang mga panlaban sa mga lason na pumupuksa sa integridad ng isang alaala. Itinuturing ang maikling kwento, o ang panitikan para sa kabuoang pagtingin, na alaala ng isang bayan dahil nagsisilbi itong imbakan ng karanasan, karunungan, at katalinuhan ng mga mamamayan. 

Ginamit ng tagapagsalita ang simbolismo ng elepante sa kabuoan ng kanyang lektura dahil ito ay isang hayop na mayroong matalas na memorya. Dapat nating tularan ang mga elepante sa talas ng memorya dahil sabi nga sa pelikulang ‘Smaller and Smaller Cirlces’ na “Ang paglipas ng oras at pagkalimot sa alaala ay kakampi ng mga mapang-abuso.” (“Time and forgetfulness are the allies of the abusers.”)

Kaya mahalaga na isatitik natin ang ating mga kwento nang sa gayon ay maitatak natin ito sa memorya ng bayan na mahalaga ang bawat karanasan natin. Kaya’t kung lahat ay magsusulat ng maikling kwento magbubunga ito ng rebolusyong tampok ang bawat isa – minorya man o mayorya; babae man o lalaki o bahagi ng LGBTQIA++. 


ATING DAMDAMIN, ATING PAG-ALABIN

Ang pag-ibig, galit, saya, lungkot… ang mga damdaming kadalasan ay nakukulong sa ating dibdib ay maaring ibuhos sa salita upang maipahayag ang mga tagumpay at pagkabigo. Sabi nga ni Hellen Keller na “Ang pinakamaganda at pinakadakilang bagay sa mundo ay hindi nakikita o nahahawakan. Bagkus ito ay nararamdaman sa kaibuturan ng ating mga puso.” (“The best and most beautiful things in the world cannot be seen or even touched. They must be felt with the heart.”) Makapangyarihan ang damdamin, kaya’t kung mailalapat ang bawat kulay nito sa isang akda tulad ng maikling kwento ay maaring ang makabasa nito ay mag-alab ang puso at diwa tungo sa mithiing malaya at mapagpalaya.

Kadugtong ng alaala ang damdamin. Kung ano ang naiisip ng utak ay siya ring nararamdaman ng puso. Kaya’t kung mailalapat ang talas ng alaala at ang sidhi ng damdamin sa pagkatha ng maikling kwento ay mabisang mailalahad sa mambabasa ang kwento na tatagos sa puso at tatatak sa isip. Makapangyarihang tunay ang ating damdamin upang pag-alabin ang puso ng isang lahi lalo na kung gagamiting kasangkapan sa pagkatha ng maikling kwento.


BAYANG MALIKHAIN, BAYANG MAY MITHIIN 

Ang maikling kwento ay hindi nagtatapos sa salitang ‘wakas’ bagkus ito lamang ang simula ng ating pagkilos batay sa ating nabasang kwento. Ang aral na natutunan maging ito man ay personal o panlipunan ay dapat mabakas sa ating buhay at maging mitsa ng pagkilos tungo sa pag-unlad, paglaya, at paglipad. Kahalintulad ng ibon na nasa hawla ang ating mga isipan, at ang mga salaysay o kwento ang siyang susi parang mabuksan ito mula sa pagkakapinid.

Kaya’t ang panawagan ng tagapagsalita ay bawat Pilipino ay sumulat ng kani-kanilang katha upang maitampok ng bawat isa ang kwento ng isang bayang malikhain na may hinaing, may panaghoy, may direksyon, at may mithiin. Nais kong palalimin at iakma sa tema ng Buwan ng Panitikan (“Kultura ng Pagkakaisa: Pagsisiyasat ng Pagkakaisa sa pamamagitan ng Panitikan”) ang katagang ni Dr. Jose Rizal na “Kabataan ay pag-asa ng bayan.” Ganito ko siya isusulat sa konteksto ng pagbuo ng “Bayan ng Maikling Kwento” “Naniniwala ako na ang mga mamamayang sumusulat, bumabasa, at sumusuri sa panitikan ay ang pag-asa ng bayan.” Hindi lang basta sumusulat, bagkus sumusulat ng alaala at damdamin ng lipunan pumipintig ng isang himig – ang pagkakaisa, pag-asa, at pagbabago. Hindi lang basta bumabasa, bagkus bumabasa nang may pag-unawa sa teksto at konteksto nito. Hindi lang basta sumusuri, bagkus sumusuri ng may talas na papanday sa mapurol na isipan at ng may apoy na magpapaalab sa diwang makabayan. 


BAYAN NG MAIKLING KWENTO

Ang paglikha ng isang “Bayan ng Maikling Kwento” ay isang mahaba, kakila-kilabot, at matrabahong daan. Ito ay magsisimula sa pagtutuon ng pansin sa suliranin ng ‘literacy rate’ o ang bahagdan ng mamamayang marunong bumasa at sumulat at reading ‘comprehension rate’ o bahagdan ng mamamayang nakakaunawa sa tekstong kanilang binasa. 

Una, magagawa itong proyekto ng pagsugpo sa “illiteracy” sa pamamagitan ng paglalaan ng panahon upang matutukan ng lapis at papel ang mga kababayang hindi marunong bumasa at sumulat. Maari nating tularan ang ginawa ng bansang Cuba ang ‘Cuban Literacy Campaign’ matapos ang ‘Cuban Revolution’. Ginawa nilang priyoridad sa loob ng isang taon ang pagtatayo ng mga eskwelahan, pagsasanay sa mga kaguroan, at ang pagtuturo ng pagbasa at pagsulat sa kanilang mga kababayan. Mahigit 707, 000 na Cuban ang natutong bumasa at sumulat. Mula 60-70 na bahagdan na literarcy rate, tumaas ito ng 96 na bahagdan.

Pangalawa, ang isyu sa mababang “reading comprehension rate” sa Pilipinas ay matutugunan kung maiaayos ang sistema ng edukasyon. Marahil dala na rin ng dalawang taong “online or modular learning” kaya’t mas bumaba ang bahagdan ng mga mag-aaral na nakauunawa sa kanilang binabasa. Ang nakikita kong solusyon dito ay ang magbasa nang magbasa ang mga Pilipino, lalo na ang mga mag-aaral, ng mga babasahing may sustansya at may saysay. Dito ay masasanay ang ating isipan na matuto ng bagong salita, masuri ang konteksto ng akda, at makabuo ng sariling kwento.

Sa pagwawakas, nais kong ibahagi ang isang saknong sa tulang aking kinatha na pinamagatang “Lapis:” 

“Kung may lapis kang may tasa

Sumulat ka at nang mamulat ka

Mamulat ka at mamulat din ang iba”

Kadugtong nito ang ang panawagan na – MAGBASA, MAGSULAT, AT MAGSURI ng ating ALAALA, DAMDAMIN, AT MIHIIN bilang isang LAHI. Nang sa gayon ay sa pagdating ng araw na malampasan natin ang mga balakid na ito, ang pagkakalilanlang “Bayan ng Maikling Kwento” ay hindi na lang basta pangarap kundi maging isang ganap na realidad.


SANGGUNIAN

https://kwfdiksiyonaryo.ph/

Winterhalter, E. (2022). Rosa Hernández Acosta on the Cuban Literacy 

Campaign. JSTOR Daily. https://daily.jstor.org/rosa-hernandez-acosta-on-the-cubanliteracy-campaign/Thenzai. (n.d.). Ibat-ibang kahulugan ng panitikan ayon sa ibay-ibang

awtoridad. http://thenzai.blogspot.com/2009/06/ibat.html

Buwan ng Panitikan 2023 – Kultura ng Pagkakaisa | PPP Center. (n.d.). 

https://ppp.gov.ph/press_releases/buwan-ng-panitikan-2023-kultura-ng-pagkakaisa/

Moya, S., & Moya, S. (2017). The Success of Literacy Education in 

Cuba. BORGEN. https://www.borgenmagazine.com/success-literacy-education-in-cuba

ALAPAAP (2023)

Ngiting pilit ikinukubli ang nadarama

Ngiting kunwa'y wagi ngunit nagdurusa

Ngiting hindi para sa sarili ngunit para sa madla

Ngiting nagkukubli lang sa isang maskara


Luha na pumapatak hanggang sa mag-umaga

Luha na nililihim sa mga nakakasalamuha

Luha na saksi at kabahagi ng kahinaan

Luha na dumudurog sa pusong lumalaban


Isang mahigpit na mahigpit na yakap

Para sa inyong nauna na sa alapaap

Sana'y matamasa na ninyo ang pangarap

Ang pangarap na maging payapa ay inyo nang malasap


NOTE: Alay para sa mga kapatid nating sumakabilang-buhay na lalo na yaong mga nag-suicide dahil sa mga personal na pinagdadaanan. Isang mahigpit na mahigpit na yakap.

KMJS' "PINANG-STAN ANG NAKAW" ACCUSED OF FAKE NEWS AND ALLEGED ADVERTISEMENT (2023)



KAPUSO MO JESSICA SOHO (KMJS) FEATURED A TEENAGER, "BEA" , WHO STOLE AN ESTIMATED AMOUNT OF 2 MILLION PESOS TO BUY K-POP MERCHANDISE. ACCORDING TO "BEA" , HER PHOTOCARDS (PC) ARE WORTH P50, 000 PESOS EACH AND ALBUMS ARE AROUND P60-70,000. THE EPISODE LACKED DISCLAIMER THAT NOT ALL PHOTOCARDS ARE WORTH P50,000, WHICH CAUSED CLAMOR IN SOCIAL MEDIA AND K-POP FANS. SOME FANS ALSO EXPERIENCED BEING ROBBED OF THEIR PC IN PUBLIC. ALSO THE MAIN POINT OF THE FEATURE WAS TO RESELL ALL THE K-POP MERCHANDISE TO RECOMPENSE HER GRANDMOTHER'S LOST SAVINGS. THE PROGRAM POSTED THE LINK OF THE SITE WHERE "BEA" AND HER FAMILY RESELLS THE "STOLEN" K-POP MERCHANDISE. THEREFORE, MANY NETIZENS WERE INVESTIGATING THE FEATURED FAMILY AND FOUND THAT THEY CALLED "BEA" A FUTURE ENTREPENEUR, WHICH MADE THEM SPECULATE THAT KMJS WAS USED TO PROMOTE THE SAID "BUSINESS". THUS, THE ACCUSATION OF ALLEGED ADVERTISEMENTS. IF THIS ACCUSATIONS WERE PROVEN TO BE TRUE, KMJS MIGHT FACE THE FOLLOWING COMPLAINTS ARTICLE 1 "NEWS AND PUBLIC AFFAIRS" SECTION 9 "SENSATIONALISM" 9.C "THE PRESENTATION OF NEWS AND COMMENTARIES MUST NOT BE DONE IN A WAY THAT WOULD CREATE UNNECESSARY PANIC OR ALARM" AND SECTION 11.B "ADVERTISEMENTS IN THE GUISE OF NEWS ARE PROHIBITED." 

LINK:

https://www.youtube.com/watch?v=0kzOk-VoVGg 

HOW THE MODEL CITY, MARIKINA, ADDRESSES ENVIRONMENTAL CONCERNS? (2023)

Our planet is slowly deteriorating – our ozone layer is depleting, and our bodies of water dying. The environmental problem is REAL and is HAPPENING IN REAL-TIME. Scientists protested and warned about the “rapid and deep cuts” to greenhouse gas emissions that are necessary by 2025 to avoid catastrophic climate effects. If us, humans, failed to act now, the effects will be irreversible. Let us heed the words of Ariana Grande in her song “Just Look Up” and I quote, “Listen to the goddamn qualified scientists.”

In my hometown, Marikina City, the local government unit, the educational institutions, and the community are hand-in-hand in addressing these environmental concerns through campaigns, projects, and ordinances. The examples of the aforementioned environmental actions practice by Marikenyos are “Munting Basura, Ibulsa Muna” “Breeze EcoProject,” “Proper Waste Management (4 Regular Waste Collection),” “Marikina Bikeways Project,” and “Anti-Smoke Belching Unit.”

The Local Government Unit (LGU) implemented ordinances that promotes responsible citizenship and environmental awareness, which are Ordinance No. 46 for proper waste segregation, Ordinance No. 135 which prohibits improper garbage disposal, and Ordinance No. 73 for anti-littering. Marikina is known as well for the regulated use of plastic on wet goods and ban of use of plastic packaging/bags on dry goods. The LGU also operates an Anti-Smoke Belching Ordinance where daily roadside inspection to check the emission level of motor vehicles to ensure a clean, safe air in the city. Strict compliance of the ordinances is observed by the citizens. Therefore, the city is known for its good governance and good citizens.

The educational institutions in Marikina participate in the molding of environmental consciousness of the students by organizing campaigns like “Munting Basura, Ibulsa Muna” that promotes responsible waste disposal especially small pieces of trash like candies, crumpled paper, and etc. Projects like Breeze EcoProject also rolled out in schools in 2021 and it has three phases: Educate, Engage, and Empower. This includes online lectures about the importance of environment, workshops on recycling water bottles, and mongo-seed planting activities. The seeds planted in the young minds of the students are the start of the fight for the future against climate change.

The household and community in my hometown abides by the schedule of the garbage collection that occurs four times in every barangay — for biodegradable (twice), recyclables, and special waste—as well as monthly collection of used cooking oil. The styrofoams, stretchable plastics, and used cooking oils are used to create eco bricks or eco pavers for projects like city’s infrastructures and pot making. Plastic bottles are also recycled into street embellishments and alternative for plant pots. The food wastes from food business and public markets are also collected and turned into compost.

The environmentally conscious actions practiced in Marikina should be the model city in the Philippines so that we may not end up in regret when the effects of climate change are irreversible. Long story short, let us remember the winning answer of Ms. Earth 2017, Karen Ibasco, “What we have to do is to start changing our ways, to start recalibrating our minds, and redirecting our steps, because together, as a global community, our micro efforts will have a macro effect to help save our home, our planet.”

REFERENCES:

Osborne, M. (2022, April 13). Scientists Stage Worldwide Climate Change Protests After IPCC Report. Smithsonian Magazine. https://www.smithsonianmag.com/smart-news/scientists-stage-worldwide-climate-protests-after-ipcc-report-180979913/

Barrientos, G. S. (2022, November 21). Marikina understands the impact of climate crisis. Here’s how students are taking action. RAPPLER. https://www.rappler.com/brandrap/marikina-impact-climate-crisis-how-students-taking-action/

Mayor Marcy shares secrets in sustaining city’s sustainability: In Marikina, we treat waste as a resource, not trash. (2023, February 2). Manila Bulletin. https://mb.com.ph/2023/02/02/mayor-marcy-shares-secrets-in-sustaining-citys-sustainability-in-marikina-we-treat-waste-as-a-resource-not-trash/

Inside Marikina’s green initiatives | Department of Education. (2021, July 12). https://www.deped.gov.ph/2021/07/12/inside-marikinas-green-initiatives/

Rappler. (2017, November 4). READ: Miss Earth 2017 Karen Ibasco’s full Q&A. RAPPLER. https://www.rappler.com/entertainment/pageants/187360-miss-earth-2017-karen-ibasco-qna-question-and-

PAG KINALABIT KA, TATAKBO O SASAMA KA BA?

Nang may biglaang kumalabit Si Kamatayan ay lumalapit Ang dibdib sumikdo't namilipit Pwede ba manlimos kahit isang saglit ulit Hinahabol...