LAMAT (2022)

Nabitawan ko ang tiwala

Nabasag ko imbes na ingatan ka

Hanggang tuluyan na ngang nasira

Nais pa sana bumuo ng maraming alaala


Hagalpakang tawanan sa gabi

Nakapanggigil na alitang lagi

Hanggang kailan isasantabi

Na ang mga kwento ay ikubli


Sana maayos na natin ang samahan

Ang away ay atin nang wakasan

Ang mga lamat na agwat ating punuan 

Ng ating pag-unawaan at pagmamahalan


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

TALINHAGA (2025)

  Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...